Posts

Showing posts with the label appetizer

CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Ito ang isa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming media noche.   Crab Stick and Cucumber Spring Roll. Actually, marami na din akong na-post na recipe nito sa archive.   Minarapat ko lang na i-post ulit with the latest picture para sa mga bago pa lang na sumusubaybay sa food blog kong ito.   Mayroon ding nag-message sa akin na i-post ko nga daw ang recipe para magaya niya. Madali lang naman ang appetizer na ito.   Ang mahirap ay yung pag-hanap ng mga sangkap at yung mismong pag-assemble.   Kapag hindi ka kasi mabilis sa pag-roll masisira o mapupnit lang yung wrapper. Pero winner talaga ang spring roll na ito.   Hina-hanap-hanap talaga sa akin ito kapag may espesyal na okasyon sa amin.   Try nyo din po. CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Crab Sticks (cut into strips) Cucumber (cut into strips) Romaine Lettuce Cashiew Nuts (durugin) For the sauce:Mayonaise All Purpose Crea...

CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS

Image
Basta espesyal na okasyon espesyal din at mga kakaiba ang inihahanda o niluluto ko.   Yun din kasi ang gusto ng aking asawang si Jolly.  Kagaya nitong nakaraan naming noche buena, mga kakaiba o espesyal na putahe ang aking inihanda. Isa na dito itong California Maki with Crab Salad Toppings.   Nagaya ko ito sa isang Japanese restaurant na nakainan ko.   Yun lang hindi ganun kaganda ang hiwa komo ordinary knife lang ang ginamit.   Pero panalo ang lasa at sarap nito.  Para ka na ding kumain sa isang mamahaling Japanese restaurant. CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS Mga Sangkap: Japanese Rice Crab Sticks Nori (that black seaweeds sheets) Japanese Mayonaise Ripe Mango (cut into strips) Salt and pepper to taste Note:    Ang dami ng mga sangkap ay depende sa dami ng lulutuin.   Paraan ng pagluluto/assemble: 1.   Isaing ang Japanese rice katulad ng pagsasaing sa ordinaryo na bigas.   ...

BABY POTATOES with HOTDOGS and HAM

Image
Saturday and Sunday ay espesyal na araw sa aming pamilya.   Nito lang kasi kami nagkakasabay-sabay na kumain komo walang pasok ang mga bata.   At komo espesyal nga ang mga araw na ito, nagluluto din ako ng espesyal na breakfast para a kanila. Sa halip na kanin at ulam ang aking inihanda, nagluto ako nitong baby potatoes.   Paborito ito ng aking asawa at mga anak.   May ilang recipes na din ako nito sa archive.   This time hotdogs at ham naman ang aking isinahog.   Paborito din kasi ito ng mga bata.   And as expected, ubos at nagustuhan talaga ito ng aking mga anak.   Yummy!!!! BABY POTATOES with HOTDOGS and HAM Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (linising mabuti at hiwain sa gitna) 1/2 cup Cheese Wiz 1 tetra brick All Purpose Cream 8 pcs. Hotdogs (sliced) 200 grams Sweet Ham (cut into small pieces) 1/2 Melted Butter 1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (chopped) Salt and pepper to taste ...

VIETNAMISE SPRING ROLL with SISIG

Image
Ito ang espesyal na dish (appetizer) na inihanda ko sa thanksgiving lunch na ginawa namin last June 24.   Vietnamise Spring Roll with Sisig. Nakagawa na ako ng dish na ito nung minsang nangailangan na magdala ng Vietnamise food ang anak kong si James sa kanilang paaralan.   In that version, tira-tirang bistek at tocino ang aking ipinalaman sa halip sa roasted beef or chicken.   Masarap ang kinalabasan at nagustuhan daw ng kaniyang guro. Dapat sana tocino din ang aking ilalagay pero nakita ko itong lata ng sisig sa aking cabinet.   Ang ginawa ko, ininit ko lang ito sa kawali at nilagyan ng binating itlog.   Atpagkatapos nun ay nilagyan ko naman ng mayonaise. Masarap talaga abng kinalabasan.   Nagustuhan nga ng aking boss ito at nagpapaturo kung papaano ko ito ginawa.   Madali lang naman at kayang-kaya nyo din gawin ito. VIETNAMESE SPRING ROLL with SISIG Mga Sangkap: 250 grams Pork Sisig 2 pcs. Fres...

BABY POTATOES in CHEESY CARBONARA SAUCE

Image
Bumili ulit ng baby potatoes ang asawa kong si Jolly.   Favorite kasi niya ito at ng aming mga anak.   Para maiba naman ang aming breakfast, ito ang niluto ko para sa kanila. At para maiba naman din ng kaunti sa dati ko nang naluto, yung instant carbonara sauce sa available sa market anag aking ginamit na sauce.   Actually, first time ko lang gumamit ng carbonara sauce na ito.   Hindi ako sure pa sa lasa at sa kakalabasan ng dish kong ito. Para hindi malagay sa alanganin ang aking finished product, nilagyan ko pa ito ng Cheeze Magic ng Del Monte para pandagdag sarap at linamnam.   At hindi nga ako nagkamali, masarap at malasa at nagustuhan talaga ng aking pamilya ang baby potato dish na ito. BABY POTATOES in CHEESY CARBONARA SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 300 grams Bacon (cut into small pieces) 1 cup Evaporated Milk 1 tetra pack Clara Ole Carbonara Pasta Sauce   1 tetra pack Del M...

ENSALADANG PAHUTAN na may KAMATIS at ITLOG NA MAALAT

Image
Taun-taon sa bayan ng aking asawang si Jolly sa San Jose Batangas kami nago-obserba ng mga Mahal na Araw.   At katulad ng maraming mga Katolikong Kristyano, nangingilin din kami sa pagkain ng karne sa mga mahal na araw partikular sa Huwebes at Biyernes Santo. Bago kami umuwi sa bahay ng aking biyenan na si Elo kung saan kami mananatili, dumaan muna kami sa palengke ng San Jose para mamili ng mga pagkaing aming dadalhin.  Sa aking pamimili ay nakita ko itong nagtitinda ng pahutan o paho.   Ito yung manggang maliliit na masarap naman talagang gawing enselada at i-terno sa pritong isda.   Naisip ko din na gustong-gusto ito ng aking asawang si Jolly. Kahit may kamahal ay bumili pa din ako nito ng ilang piraso.   Biro nyo P5.00 ang halaga ng isang maliit na piraso nito?  Okay din lang naman.  Masarap naman talaga ito lalo na at kasama ang pritong maliliit na galunggong.   Hehehehe.   Sa loob-loob ko, hindi ata ...

CHEESY BABY POTATOES with PIMIENTO

Image
Paborito ng aking asawang si Jolly at aking mga anak itong Baby Potatoes na ito na may bacon at cheese.   Masarap naman kasi talaga ito.   Nagluluto lang ako nito kapag may espesyal na okasyon kagaya ng Pasko at Bagong Taon.   Maraming beses ko na ding na-post ito dito sa blog. Nitong nakaraang Chinese New Year (hindi man kami Chnese...hehehehe) ay nagluto ako nito sa kahilingan na din ng aking asawa.   At para mas maging espesyal pa ito at magkaroon pa ng extra na flavor, nilagyan ko pa ito ng pimiento o chopped red bell pepper.   Ang sarap ng kinalabasan kaya ayun isang daupan lang ay naubos ang aking niluto.   Yummy talaga!!! CHEESY BABY POTATOES with PIMIENTO Mga Sangkap: 1 kilo Baby or Marbled Potatoes (hugasang mabuti....kung medyo malaki hatiin sa gitna) 250 grams Smokey Bacon (cut into small pieces) 1 tetra brick All Purpose Cream 4 tbsp. Cheez Whiz 1 large Red Bell Pepper (cut into small cubes) 5 clo...

CRISPY ISAW

Image
Nitong nakaraang pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang isaw ng baboy at naisip kong magluto nitong Crispy Isaw. Masarap itong pampulutan o kahit appetizer man at kahit pang-ulam ay pwede din ito.   Masarap itong isawsaw sa suka na may sili at bawang.   Yun lang swertihan din ang pagbili ng sariwang isaw sa palengke.   May mga isaw kasi na medyo mapait ang lasa.   Pero kung sabagay, nawawala na din yung pait kung isasawsaw mo na ito sa suka at kung ito ay crispy na. So sa mga humihiling na mag-post ako ng mga dish na pang-pulutan, para sa inyo ang post kong ito. CRISPY ISAW Mga Sangkap: 1 kilo Isaw ng Baboy 1 tbsp. Rock Salt 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 tsp. Ground Black Pepper Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa mantika.   Lagyan ng tubig at pakuluan sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot ito. 2....

HAM and BABY POTATO SALAD

Image
Siguro ang pinakamadaling gawin na dish ay itong salad.   Basta kasi paghalu-haluin mo lang ang mga sangkap, lagyan mo ng dressings okay na.  Yung iba may kaunting luto din. Pero papaano ba gumawa ng isang salad kagaya nitong potato salad na ginawa ko na mapapasarap mo talaga gamit lamang ang kaunting mga sangkap.  Yun ang gusto kong i-share sa inyo sa post ko na ito. Kung gagawa ka ng potato salad, mainam na pakuluan o lutuin mo ang patatas sa sabaw na pinaglagaan ng manok o baboy.   Manok kung chicken ang sahog mo pang iba sa potato at baboy naman kung ham ang ilalagay mo kagaya nitong nasa picture.   Kung manok, sinasabay ko na ang laman o pitso ng manok sa paglalaga ng patatas.   Pwede din naman na chicken or pork cubes ang gamitin.   Concetrated na din naman kasi ang lasa nito. Sa pamamagitan ng ganitong proseso mas nabibigyan natin ng lasa ang patatas na gagamitin.   So kahit kaunti lang ang laman na il...

CRISPY ISAW o CHICHARONG BULAKLAK

Image
Nitong nakaraang holiday season, habang namimili kami ng mga karne at gagamitin para sa Noche Buena, nakita ko itong sariwang isaw ng baboy na ibinebenta.   Naisip ko bigla nung minsan na umuwi kami sa amin sa Bulacan at naka-tikim nito ang anak kong si James.   Nagustuhan niya ito at ni-request na magluto din daw ako nito.   Kaya nga nang makita ko ang sariwang isaw na ito binili ko na agad at yun ang plano kong gawing luto. Dalawa ang pwedeng gawing luto sa isaw ng baboy.   Pwede itong i-paksiw at ito ngang pa-prito.   Masarap itong pang-ulam at pang-pulutan syempre.   Pwede din ito na appetizer o starter sa mga handaan.   Try nyo din po ito.   Masarap talaga. CRISPY ISAW o CHICHARONG BULAKLAK Mga Sangkap: Isaw ng Baboy Salt and pepper to taste Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Hugasang mabuti ang sariwang isaw ng baboy. 2.   Pakuluan ito sa isang kaserola na may asi...