HAM and BABY POTATO SALAD


Siguro ang pinakamadaling gawin na dish ay itong salad.   Basta kasi paghalu-haluin mo lang ang mga sangkap, lagyan mo ng dressings okay na.  Yung iba may kaunting luto din.

Pero papaano ba gumawa ng isang salad kagaya nitong potato salad na ginawa ko na mapapasarap mo talaga gamit lamang ang kaunting mga sangkap.  Yun ang gusto kong i-share sa inyo sa post ko na ito.

Kung gagawa ka ng potato salad, mainam na pakuluan o lutuin mo ang patatas sa sabaw na pinaglagaan ng manok o baboy.   Manok kung chicken ang sahog mo pang iba sa potato at baboy naman kung ham ang ilalagay mo kagaya nitong nasa picture.   Kung manok, sinasabay ko na ang laman o pitso ng manok sa paglalaga ng patatas.   Pwede din naman na chicken or pork cubes ang gamitin.   Concetrated na din naman kasi ang lasa nito.

Sa pamamagitan ng ganitong proseso mas nabibigyan natin ng lasa ang patatas na gagamitin.   So kahit kaunti lang ang laman na ilalagay pa ay malasa na ito at masarap.   Kagaya nitong ham an baby potato salad na ginawa ko, panalo sa panlasa ng aking asawa at mga anak.   Try nyo din po.


HAM and BABY POTATO SALAD

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (linising mabuti at hiwain sa gitna)
300 grams Sweet Ham (hiwain sa nais na laki)
250 grams Lady's Choice Mayonaise
2 pcs. large Carrot (cut into cubes)
2 pcs. Pork Cubes
Salt and pepper to taste
Iceberg Lettuce

Paraan ng pagluluto:
1.   Ilagay ang papatas at carrots sa tubig na may kaunting asin at pork cubes at pakuluan hanggang sa maluto.  Huwag i-overcooked.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
2.   Sa isang bowl ilagay ang pinalamig na patatas, mayonaise, hiniwang sweet ham at timplahan ng asin at paminta.
3.   I-chill muna sa fridge bago ihain.

Ihain na may kasamang iceberg o romaine lettuce.

Enjoy!!!!

PS.   Hiling ko lang sa lahat ng tagasubabay ng food blog kong ito na sana ay i-share nyo din ito sa inyong mga kamag-anak at kaibigan.   paki-click na din ang mga ADS na naka-post para maka-earn akong ng points mula sa Google.   Salamat po - Dennis

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy