Posts

Showing posts with the label soup

SINIGANG na HIPON sa KAMIAS

Image
Nitong huling uwi ko sa aming bahay sa Bocaue, Bulacan, napansin ko itong puno ng kamias sa bakuran ng aking Tita Melda na hitik sa bunga. Naalala ko tuloy noong araw na maliliit pa kami, katu-katulong kami ng aming Mama Tinay na mamitas ng bunga nitong kamias at pagkatapos ay pinipiga namin yung katas at ginagawa namang minatamis.   Yes.  Ganun na katanda ng puno ng kamyas na ito. Kaya naman hiniling ko sa aking tita na pipitas ako nito para madala pabalik ng Maynila. Tamang-tama kasi may nabili namang hipon na suahe ang aking asawang si Jolly at ayos na isigang ko ito sa kamias nga. Ang sarap.   Tamang-tama lang yung asim.   Ang tagal ko na ding hindi nakatikim ng sinigang sa kamias.   Madalas kasi ay yung instant sinigang sa sampalok mix ang aking ginagamit. SINIGANG na HIPON sa KAMIAS Mga Sangkap: 1 kilo Hipon (Suahe) Kamias (depende sa asim na gusto nyo) 3 pcs. Tomatoes (quartered) 2 pcs. Onion (quartered) Labanos ...

BATCHOY TAGALOG with MISUA

Image
Medyo lumalamig na ang panahon.   Nagpapaalala lang na papalapit na talaga ang kapaskuhan.   At kapag ganitong medyo malamig ang panahon, masarap humigop at mag-ulam ng pagkaing may sabaw. Kagaya nitong Batchoy Tagalog with Misua.   Isa ito sa mga soup dish na paborito ko kahit noong bata pa ako.   Pero yung niluluto ng Inang ko noong araw ay walang misua.   Dito lang sa Maynila ko natutunan at nakakita na naglalagay ng misua sa batchoy at masarap naman din nung matikman ko. BATCHOY TAGALOG with MISUA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Lomo (cut into small cubes) 300 grams Pork Liver (cut into small cubes) 1 pc. large Sayote (cut into small cubes) 2 pcs. Misua Noodles 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 large Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 5 pcs. Silinjg Pang-Sigang a bunch of Sili Leaves 2 pcs. Knorr Pork Cubes 3 tbsp. Cooking Oil Salt (or patis) and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa i...

GINISANG MUNGGO con PATA

Image
Nasubukan nyo na bang mag-sahog ng pata ng baboy sa inyong nilulutong ginisang munggo?   Ako nito ko lang nasubukan.  At wag ka, masarap ha.   Malasang-malasa ang piaka-sabaw nito dahil sa katas ng pinlambot na pata. Pero depende din sa pata kung kailan mo siya iasasabay na ilaga kasama ng mungo.   Itong kasing sa niluto sabay ko ito pinakuluan.   Ang siste, malambot na ang pata pero hindi pa durog na durog ang munggo.   Kaya ang ginawa ko, hinango ko muna ang pata at itinuloy ang pagpapakulo sa munggo. Pero winner talaga ang ginisang munggo na ito.  Ito siguro ang the best ginisang munggo na naluto ko.   Try nyo din po. GINISANG MUNGGO con PATA Mga Sangkap: 1 whole Pork Leg o pata (sliced) 2 cups Green Monggo Beans. 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 pcs. Tomatoes (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil a bunch of Ampalaya Leaves 4 pcs. Siling Pang-sigang 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and Pepper to ...

MISUA with SIOMAI

Image
Noong araw kapag tag-ulan, madalas magluto nitong misua na may bola-bola at patola ang aking Inang Lina.   Masarap kasi ito at tamang-tamang pang-ulam o pang-meryenda man.   Natatandaan ko noon, isinasabaw ko itong misua sa lamig na kanin at ayos na ayos na ang aking meryenda sa hapon. This time siomai naman ang aking inilagay sa misua.   Yung siomai na ginamit ko dito ay yung available na sa mga frozen section ng mga supermarket.   Ginamit ko dito ay yung sa Puregold na pork and shrimp siomai. Alam nyo, nung kinakain ko na ang misua soup na ito, nagbalik sa aking ala-ala ang luto ng aking Inang Lina.   Hindi man kasing sarap ng kanyang luto, pero nalalapit na din ang lasa.   Oh na miss ko bigla ang aking Inang Lina. MISUA with SIOMAI Mga Sangkap: About 20 pcs. Pork & Shrimp Siomai 2 pcs. Misua Noodles 1 cup Katas ng Achuete 2 pcs. Pork Cubes 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 2 tbsp. Cooking Oil...

BATCHOY TAGALOG

Image
Kapag narinig natin ang Batchoy ang unang pumapasok sa isip natin ay yung La Paz Batchoy na noodle dish na maraming sahog sa ibabaw at may chicharon pa.  Masarapa naman talaga ang noodle dish na ito. Pero itong batchoy na sinasabi ko naman ay yung soup dish na parang tinila ang pagkaluto.   Mga lamang-loob ng baboy kagaya ng lapay, puso, bato ang sahog nito.   Mayroon din itong lomo o yung malambot na parte ng baboy at nilalagyan din ng nabuong dugo ng baboy.   Sa gulay, sayote, sili at dahon ng sili ang inilalagay din dito. Isa sa mga paborito kong may sabaw na ulam ang dish na ito.   Natatandaan ko nagluluto nito ang aking Inang Lina at sarap na sarap talaga ako sa sabaw nito. Matagal nang hindi ako nakakapagluto nito.   Mahirap kasing makahanap ng sariwang lamang-loob ng baboy.   Pero nitong huling pamamalengke ko sa Agora market sa San Juan, naka-tyempo ako ng sariwang lapay, puso at bato ng baboy.  ...

PESANG TANIGUE

Image
Kapag masarap na klase ng isda ang aking iluluto, hindi ko na ito nilalahukan pa ng kung ano-ano pang mga sankap.   Natatabunan kasi yung masarap na lasa ng isda. Kagaya nitong tanigue na nabili ko nitong isang araw.   Alam natin na medyo may kamahalan ang isdang ito dahil masarap naman ito talaga.   Nung una ipi-prito ko lang sana ito at lalagyan ng bistek sauce pero naisip ko na mas maganda siguro kung yung pinaka-simpleng luto ang gawin ko para malasahan talaga yung sarap ng isda.   At itong pesa nga ang aking ginawa.  Ang pinesa ang pinaka-simpleng luto na may sabaw na pwedeng gawin sa isda.   Pangkaraniwan ay dalag ang isdang ginagamit dito pero dito nga sa post ko na ito ay tanigue naman.   And yes, isang masarap na sinabawang isda ang kinalabasan. PESANG TANIGUE Mga Sangkap: 1 kilo Tanigue Repolyo (cut into smaller pieces) Pechay Tagalog Leeks (cut into 1 inch long) 2 pcs. Potatoes (quatered) 2 pc...

RED SINAMPALUKANG MANOK

Image
Isa sa mga paborito kong luto sa manok ay itong Sinampalukan.   Madalas magluto nito ang aking Inang Lina lalo na kung maulan at masibol ang usbong ng sampalok. Yes, usbong ay yung murang dahon ng sampalok na ginagamit na pang-asim sa sinampalukan.   Ginagawa at ginagamit pa rin itong usbong ng sampalok sa amin sa Bulacan.   Yun lang dito sa siyudad sinigang mix na lang ang pwede nating magamit na pang-asim. Itong version ng sinampalukang manok ko na ito ay nabasa ko din lang sa website ng Del Monte.   Kung mayroon nang Red Sinigang at Red Bulalo, nadagdag pa itong Red Sinampalukang Manok. Actually, pareho lang siya ng orihinal na sinampalukang manok.   Ang pagkakaiba lang ay ang pagdagdag dito ng tomato sauce kaya ito nagkulay red.   Masarap naman siya.  Nandun yung natural sweetness at asim ng tomato sauce.   Try nyo din po. RED SINAMPALUKANG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving...

PUMPKIN SOUP with COCONUT MILK - The Winning Soup

Image
Sa nakaraang espesyal na tanghalian pinahanda ng hipag kong si Lita, bukod sa mga pagkaing hiniling niya na lutuin ko, gumawa din ako ng soup na siyang ipinanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge nitong mga nakaraang buwan.   Naisip ko rin na gumawa nito para naman kako may sabaw din dahil puro dry at ma-sauce ang mga ulam. Para mas maging espesyal talaga ang panaghaliang yun, sa halip na ordinaryong kalabasa ang gamitin, butternut squash ang ginamit ko.   Sobrang mahal nito kumpara sa ordinaryong kalabasa.   Sa totoo lang, hindi ako sure kung ano ang lasa nito.   Basta ang alam ko lang base sa mga nabasa ko sa internet na masarap ito talaga sa soup. At tunay nga, masarap at nagustuhan ng mga kumain ang winning soup ko na ito.   Panalo!!! PUMPKIN SOUP with COCONUT MILK - The Winning Soup Mga Sangkap: 750 grams Butternut Squash o Ordinaryong Kalabasa (cut into cubes) 1 can Coconut Milk 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 liter Chi...

PESANG ULO NG SALMON

Image
Para sa akin, kapag masarap na ang isang isda, hindi ko na ito nilalagyan pa ng kung ano-anong pampalasa o rekado.   Tama na sa akin ang lutuin ito sa pinaka-simpleng pamamaraan kagaya ng pag-ihaw o yung sasabawan. Kagaya nitong isdang salmon.   Alam naman natin masarap na isda ito at may kamahalan.   Sa kahilingan na din ng aking asawang si Jolly, napabili ako ng ulong bahagi nito para kako masabawan.   Mainam naman at yung nabili ko ay yung malaman at maganda ang pagka-cut at may kasama pang buntot na parte. Pesa o nilaga ang ginawa kong luto dito.  Maging ang gulay na sinahog ko dito ay dalawang klase lang.   Bok choy o Chinese pechay at patatas.   Kaya naman ang kinalabasan ay isang masarap na sinabawang isda na tamang-tama sa maulan panahon na ito. PESANG ULO NG SALMON Mga Sangkap: 2 pcs. Ulo ng Salmon (cut into serving pieces) Bok Choy o Pechay tTagalog 2 pcs. medium size Potato (quatered) 1 tsp. Whole...

CREAMY POTATO SOUP

Image
Another #cremamoments ang ise-share ko sa inyo for today.   Yes.  Creamy Potato Soup gamit ang Alaska Crema na prize sa akin sa pagkapanalo ko sa nakaraang Alaska Kitchen Challenge 2. Niluto ko ito nung mag-off from her work ang asawa kong si Jolly.   Syempre, bihira lang naman kami magkasabay-sabay na kumain kaya sa pagkakataon na yun ay sinamantala ko na at nagluto ako ng masarap at espesyal na lunch para sa kanila. Roasted Chicken ang main dish na niluto ko for that lunch.   At tamang-tama ang soup na ito na aking ginawa terno sa chicken.   At hindi naman ako nabigo, nagustuhan at nasarapan naman ang aking asawa at mga anak.   Try nyo din po. CREAMY POTATO SOUP Mga Sangkap: 500 grams Potatoes (balatan at hiwain ng pa-cube) 1 litter Chicken or Pork stock (pwede din 2 pcs.  Chicken or pork cubes) 1/2 cup Melted Butter 1 tetra brick Alaska Crema 5 cloves Minced Garlic 1 medium size Red Onion (chopped) Salt ...

CORNED BEEF and MACARONI SOUP

Image
Paborito ng bunso kong anak na si Anton itong Macaroni Soup.   Kaya naman para maiba naman ang aming almusal, nagluluto ako nito at tineternuhan ko ng mainit na pandesal.   Sarap di ba?   Hehehehe. May ilang macaroni soup na din akong na-post sa food blog kong ito.   But I think sa lahat ng maca soup na niluto ko ito ang the best.   Maybe because cream ang ginamit ko dito at yung corned beef na inilagay ko ay yung guisado type.   Masarap talaga siya.   Tamang-tama sa panahong ito na maulan. CORNED BEEF and MACARONI SOUP Mga Sangkap: 400 grams Elbow Macaroni 1 big can Corned Beef Guisado (CDO brand) 1 tetra brick Alaska Crema 2 pcs. Beef Cubes 2 tbsp. Butter 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2.   Sunod na ilagay ang corned beef at halu-haluin. 3.   Lagyan ng nais...

GINULAY NA MAIS

Image
Matagal na akong hindi nakaka-kain ng Ginulay na Mais.  Noong araw kasi nagluluto ng ganito ang aking Inang Lina lalo na pag panahon ng mais.   Ang sarap kainin o higupin nito lalo na ngayon maulan ang panahon.   Masarap ding i-pair ito sa mga pritong isda, manok o baboy man. Nitong araw may nakita akong binebentang sariwang mais sa palengke na aking nadaraanan.   Naisipan kong bumili ng 1 kilo o apat na piraso para nga makapagluto na ako nitong ginulay na mais. Also, sa nakalakihan kong recipe ang isinasahog ng aking Inang ay giniling na baboy at hipon.   Sa version ko naman, tira-tira manok ang aking inilagay.   Nakakatuwa dahil nagustuhan ito ng aking mga anak lalo na ang bunso kong si Anton. GINULAY NA MAIS Mga Sangkap: 1 kilo Fresh na Mais (gayatin at alisin sa busal) 1 Whole Chicken Breast Malungay leaves 1 tsp. Sugar or 1 tsp. Magic Sarap 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 2 tbsp. Cooking Oil ...

SIOMAI MISUA at PATOLA SOUP

Image
Kapag ganitong maulan ang panahon hindi ba masarap ang humigop ng mainit na sabaw?   Ofcourse walang tatalo sa nilagang baka o sinigang na baboy, pero bakit di nyo i-try itong siomai at patola na nilagyan ng misua?   I'm sure magugustuhan nyo din ito.   Ang mainam dito napakadali lang nitong lutuin.  Try nyo din po. SIOMAI MISUA at PATOLA SOUP Mga Sangkap: 30 pcs. Pork & Shrimp Siomai  (available in supermaket) 2 pcs. Fresh Patola (balatan then slice) 3 pcs. Misua Noodles 1 liter Pork Stock or 2 pcs Pork Cubes in 1 liter of water 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (chopped) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. 2.   Ilagay na agad ang pork stock o 1 liter na tubig at 2 pcs. pork cubes. 3.  Kapag kumulo na ang sabaw ilagay na ang patola, siomai at misua noodles. 4.   Timplahan ng asin at paminta. ...

SINIGANG na HIPON sa MANGGA

Image
Ang sinigang ay isa sa mga pagkaing pinoy na ginagamitan ng pampa-asim para umasim ang sabaw nito.   Kadalasan ay sampalok ang ating ginagamit pero marami din ang gumagamit ng bayabas, calamansi, santol at maging manggang hilaw. Yes, at ito ngang manggang hilaw ang ginamit ko sa sinigang na hipon na ito na aking niluto nitong nakaraang araw.   Mas mainam na yung maasim na mangga ang inyong gagamitin para kapit na kapit talaga ang asim sa sabaw.   Ang sarap pa namang humigop nito lalo ngayong maulan ang panahon.   Hehehehehe. SINIGANG na HIPON sa MANGGA Mga Sangkap: 1 kilo medium to large size Shrimp o Hipon 1 pc. large size Manggang Hilaw (hiwain ng maninipis) 4 pcs. Tomatoes (quartered) 1 large Onion (sliced) 1 pc. Labanos (sliced) 1 tali Okra 1 tali Sitaw Siling pang-sigang Talbos ng Kangkong Salt or Patis to taste 1 liter Hugas Bigas Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola pakuluan ang hugas bigas, hiniw...

GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI

Image
Naging kaugalian na nating mga pinoy ang pag-uulam ng ginisang munggo tuwing Biyernes.   Hindi ko alam ang eksaktong dahilan pero sa pagka-alam ko, related ito sa kuwaresma kung saan hinihikayat tayo ng simbahan na huwag kumain ng karne tuwign Biyernes. Pangkaraniwan, hipon o isda ang isinasahog natin sa ginisang munggo.   Pero kung gusto nyong gawing extra special, pwede din nyo itong lagyan ng sugpo o lechon kawali.   Also, mainam na lagyan nyo ng taba ng baboy ang munggo habang pinapakuluan nyo ito.   Although hindi masyadong healthy pero mas nagiging malasa ang sabaw nito.   Kagaya nitong niluto ko na ito.   Yung taba na ginamit ko ay mula sa tira-tirang taba sa nilagang baboy na inulam namin nitong nakaraang araw. GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI Mga Sangkap: 1 cup Green Monggo Beans 300 grams Lechon Kawali (http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/05/lechon-kawali.html) 2 cups Pork Fats (cut into cubes) 3...

CREAMY COCO PUMPKIN SOUP - Using Alaska Crema

Image
Ito po ang winning dish ko nitong nakaraang Round 3 ng Alaska Crema Kitchen Challenge 2.   Creamy Coco Pumpkin soup.   Hayaan nyo pong mai-share ko sa inyo ito at makasama kayo sa aking kasiyahan at tagumpay. Nang makausap ko sa telepono ang staff ng Alaska tungkol sa pagkapanlo ko, nai-share niya ang ilan sa mga comment ng mga chef judges na humusga sa aking recipe.   Ang sabi daw, nagustuhan nila yung pagbe-blend ng lasa nung coconut milk, butter, cream at kalabasa.  At yun din nga ang alam kong strenght ng aking dish.  Yung pagsamahin mo ba ang kalabasa at gata ng niyog tapos sinamahan mo pa ng cream at butter...Panalo ang lasang ito.   Try nyo din po. CREAMY COCO PUMPKIN SOUP Mga Sangkap: 300 grams Squash/Kalabasa cut into small cubes 5 cups Chicken broth or 5 cups Water & 2 Knorr Chicken Cubes 2 cups Coco milk 1 tetra brick Alaska Crema 1/2 cup Butter 3 cloves minced Garlic 1 pc. medium size Onion Sliced Sal...

SINIGANG na MAYAMAYA sa MISO

Image
Paborito ng asawa kong si Jolly itong sinigang na isda.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa kanya.   Kagaya nitong isang araw na off siya sa work at ako naman ay naka-leave, dapat sana ay nilagang baka ang aming pang-ulam pero nang makita ko itong isdang maya-maya sa palengke ay naisip ko agad ang request ng aking asawa. Maganda ang nabili kong isda.   Sariwa ito at medyo may kamahalan lang.   Pero okay lang.   Kaya naisip ko na lutuin ito ng espesyal.   Isinigang ko siya sa miso at nilagyan ko pa din ng sampalok mixes para mas maasim pa ang sabaw. Nakakatuwa dahil nagustuhan ng lahat ang aking sinigang na maya-maya sa miso. SINIGANG na MAYAMAYA sa MISO Mga Sangkap: 1 kilo Isdang Maya-maya (sliced) 1 small sachet Sinigang sa Miso mixes 1 small sachet Sinigang sa Sampalok mixes 2 thumb size Ginger (sliced) 1 large Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 2 pcs. Tomatoes (sliced) 3...

CRAB and CORN SOUP - Chinese Style

Image
The easiest way to cook this is to use Knorr instant Crab and Corn Soup Mixes na available sa mga supermarket.   Just add water, boil and add 1 egg at meron ka nang crtab and corn soup Chinese style. Pero syempre, iba pa rin ang lasa nung pinagpaguran talaga lalo na kung ang kakain nito ay ang inyong mga mahal sa buhay.   Also, dun sa instant hindi masyadong visible yung crab meat o sticks not like etong version na ginawa ko.   Sagana talaga ito sa crab sticks.   hehehehe Ang pinaka-key sa paglulutong nitong soup na ito ay ang magandang quality ng sabaw na gagamitin.   Sa version kong ito ay sabaw ng pinakuluang manok ang aking ginamit.   Bale pinakuluang manok na nilagyan ko lang ng ginayat na sibuyas at kaunting asin. CRAB and CORN SOUP - Chinese Style Mga Sangkap: 2 liters Chicken Stock o sabaw ng pinakuluang manok 10 pcs. Crab Sticks (himayin o cut into strips) 1 can Sweet Corn kernel 1 pcs. Onion (chopped)...

SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK

Image
Nasubukan nyo na ba itong Mama Sitas Sinigang sa Sampalok mixes?    Kumpara sa mga powder mixes na madalas nating gamitin,ito naman ay hindi powder kundi tunay na laman ng sampalok at mayroon ding gabi.   Ang mainam din dito, hindi ito masyadong maalat. Ito ang pang-asim na ginamit ko sa espesyal na sinigang na baka na ito sa sampalok na may gabi pa.   Ang sarap talaga lalo na yung sabaw.   Tamang-tamalang yung asim at nag-blend talaga sa lasa ng karne ng baka.  Try nyo din po. SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (cut into cubes) 1 tetra pack Mama Sita's Sinigang sa Samplalok mixes 3 pcs.Gabi (cut into cubes) Sitaw (cut int 1 inch long) Kangkong Labanos Siling Pang-sigang 2pcs. Kamatis (sliced) 1 large Onion  (sliced) Salt to taste Paraan ng Pagluluto: 1.   Sa isang kaserolang may tubig at asin palambutin ang karne ng baka. 2.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang kamatis, si...

SINIGANG na ULO ng LAPULAPU na may SQUID ROLL

Image
Sa fish section ng SM Supermarket sa Makati, may ibinebenta doon na mga ulo ng isda sa mura lang na halaga.  May tuna, salmon, tanigue, lapu-lapu at iba pa.   Yun lang pipili ka talaga nung maganda at medyo malaman pa.   Masarap na gawin itong fish stocks para sa iba pa nating lutuin o soup.   Kung malaman naman ang makuha mo masarap ito isigang. At yun nga ang  ginawa ko.   Kaso iniisip ko kung kakasya ba sa amin ang nabili ko.   Kaya ang ginawa ko hinaluan ko pa ito ng squid roll na available din sa supermarket na yun.   At ayos naman ang kinalabasan.   Masarap na sabaw at may makakain ka pang squid rolls.   Yummy!!!! SINIGANG na ULO ng LAPULAPU na may SQUID ROLL Mga Sangkap: 1 kilo Ulo ng Lapulapu (...piliin yung may laman....cut into serving pieces) 10 pcs. Squid Roll 5 cloves minced Garlic 1 pc. Onion (Sliced) 1 thumb size Ginger (cut into strips) 2 pcs. Tomatoes (sliced) Kangk...