SINIGANG na HIPON sa MANGGA
Ang sinigang ay isa sa mga pagkaing pinoy na ginagamitan ng pampa-asim para umasim ang sabaw nito. Kadalasan ay sampalok ang ating ginagamit pero marami din ang gumagamit ng bayabas, calamansi, santol at maging manggang hilaw.
Yes, at ito ngang manggang hilaw ang ginamit ko sa sinigang na hipon na ito na aking niluto nitong nakaraang araw. Mas mainam na yung maasim na mangga ang inyong gagamitin para kapit na kapit talaga ang asim sa sabaw. Ang sarap pa namang humigop nito lalo ngayong maulan ang panahon. Hehehehehe.
SINIGANG na HIPON sa MANGGA
Mga Sangkap:
1 kilo medium to large size Shrimp o Hipon
1 pc. large size Manggang Hilaw (hiwain ng maninipis)
4 pcs. Tomatoes (quartered)
1 large Onion (sliced)
1 pc. Labanos (sliced)
1 tali Okra
1 tali Sitaw
Siling pang-sigang
Talbos ng Kangkong
Salt or Patis to taste
1 liter Hugas Bigas
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang hugas bigas, hiniwang mangga, sibuyas at kamatis. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto para lumabas ang asim ng mangga.
2. Sunod na ilagay ang labanos, siling pang-sigang, okra at sitaw. Hayaang maluto ang gulay.
3. Ilagay na ang hipon at timplahan ng asin o patis.
4. Huling ilagay ang kangkong. Halu-haluin.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
Comments