PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY
Paborito din ng mga anak ko ang burger steak na nabibili sa isang sikat na fast food chain. Kaya naman kapag may pagkakataon ay nagluluto din ako nito sa bahay para sa kanila. Nilalagyan ko na lang ng sarili kong twist ito para mas mapasarap pa. Sa version kong ito, ground pork ang ginamit ko para sa burger. Medyo may kamahalan kasi kung baka. hehehe. Although may available din naman na burger patties sa supermarket, iba pa rin yung ikaw mismo ang gagawa fro scratch. Also in this version, nilahukan ko ang burger ng mga spices para may kaunting sipa kapag kinakain mo na ito. At hindi naman ako nagkamali, masarap at juicy ang kinalabasan ng aking burger steak. Try nyo din po. PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY Mga Sangkap: 1 kilo Ground Pork (3/4 Lean & 1/4 Fat) 1 tsp. 5 Spice Powder 1/2 tsp. Cayene Powder 1/2 tsp. Paprika Powder 1 tsp. Ground Black Pepper 2 pcs. White Onion (chopped) 2 pcs. Fresh Eggs ...