PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY


Paborito din ng mga anak ko ang burger steak na nabibili sa isang sikat na fast food chain.   Kaya naman kapag may pagkakataon ay nagluluto din ako nito sa bahay para sa kanila.  Nilalagyan ko na lang ng sarili kong twist ito para mas mapasarap pa.

Sa version kong ito, ground pork ang ginamit ko para sa burger.   Medyo may kamahalan kasi kung baka.  hehehe.   Although may available din naman na burger patties sa supermarket, iba pa rin yung ikaw mismo ang gagawa fro scratch.

Also in this version, nilahukan ko ang burger ng mga spices para may kaunting sipa kapag kinakain mo na ito.  At hindi naman ako nagkamali, masarap at juicy ang kinalabasan ng aking burger steak.   Try nyo din po.


PORK BURGER with MUSHROOM GRAVY

Mga Sangkap:
1 kilo Ground Pork (3/4 Lean & 1/4 Fat)
1 tsp. 5 Spice Powder
1/2 tsp. Cayene Powder
1/2 tsp. Paprika Powder
1 tsp. Ground Black Pepper
2 pcs. White Onion (chopped)
2 pcs. Fresh Eggs
1 cup Breadcrumbs
 Salt to taste
Cooking oil for frying
For the Mushroom Gravy:
2 pcs. Pork Cubes (dissolved in 1 cup water)
1/4 cup Melted Butter
2 tbsp. Flour
1 can Sliced Mushroom
1 head Minced Garlic
 1 pc. White Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng mga sangkap para sa burger.   Maaaring mag-prito ng kaunti para malaman kung tama na ang timpla.   Hayaan ito ng overnight bago i-prito.
2.   I-prito ito sa isang non stick na kawali o griller hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   For the gravy:   I-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.  Sunod na igisa ang sibuyas.
5.   Sunod na ilagay ang harina at patuloy na haluin.
6.   Ilagay na din ang tinunaw na pork cubes at ang sliced mushroom kasama ang sabaw nito.
7.   Timplahan ng asin at paminta.   Patuloy na haluin.   Maaaribng lagyan pa ng tubig kung kinakailangan depende sa lapot na nais.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9.   To serve:  Lagyan ng mushroom gravy ang ibabaw ng nilutong burger patty at budburan ng toasted garlic.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy