CRISPY ISAW
Nitong nakaraang pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang isaw ng baboy at naisip kong magluto nitong Crispy Isaw. Masarap itong pampulutan o kahit appetizer man at kahit pang-ulam ay pwede din ito. Masarap itong isawsaw sa suka na may sili at bawang. Yun lang swertihan din ang pagbili ng sariwang isaw sa palengke. May mga isaw kasi na medyo mapait ang lasa. Pero kung sabagay, nawawala na din yung pait kung isasawsaw mo na ito sa suka at kung ito ay crispy na. So sa mga humihiling na mag-post ako ng mga dish na pang-pulutan, para sa inyo ang post kong ito. CRISPY ISAW Mga Sangkap: 1 kilo Isaw ng Baboy 1 tbsp. Rock Salt 2 pcs. Dried Laurel leaves 1 tsp. Ground Black Pepper Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa mantika. Lagyan ng tubig at pakuluan sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot ito. 2....