MACARONI CHEESE and LUNCHEON MEAT


May pasalubong sa akin na ibat-ibang klase ng pasta ang pamangkin kong si Christian galing ng
Abu Dhabi.  Isa na dito ay itong macaroni pasta na ito na sa tingin ko ay mas malalaki kumpara sa mga elbow macaroni na nabibili natin sa pamilihan.

Isa lang ang nasa isip ko na gawing luto dito at ito ay itong ngang mac and cheese.   Hinaluan ko na lang din ng luncheon meat para naman may laman-laman at para  mas sumarap pa.  Try nyo din po.


 MACARONI CHEESE and LUNCHEON MEAT

Mga Sangkap:
500 grams Elbow Macaroni Pasta
1 can Pork Luncheon Meat (cut into cubes)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 small can Evaporated or Fresh Milk
1 tsp. Dried Basil
2 cups Grated Cheese
1/2 cup Melted Butter
1 head Minced Garlic
1 pc. White Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang elbow macaroni according to package directions.
2.   Sa isang non-stick na kawali o wok, i-prito ang luncheon meat sa butter hanggang sa medyo mag-brown ito.
3.   Sa parehong kawali, igisa ang bawang, sibuyas at dried basil.
4.   Sunod na itlagay ang evaporated o fresh milk at ang all purpose cream.
5.   Timplahan ng asin at paminta.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay na ang nilutong macaroni, luncheon meat at 1 cup na grated cheese.   Haluing mabuti.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang 1 cup pang grated cheese.

Ihain habang mainit pa na may kasamang toasted o garlic bread.

Enjoy!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy