CREAMY TUNA SPAGHETTI



Alam kong marami sa atin ang nag-iisip na kung ano ng masarap na ihanda para sa ating Noche Buena sa darating na Pasko.   Kung may budget okay din lang naman na gumastos tayo dahil minsan lang naman din ito sa isang taon.  Pero kung kaunti lang ang budget pwede naman tayong magluto ng espesyal na pagkain na hindi masyadong magastos at hindi pangkaraniwan nating kinakain.


Kagaya nitong Creamy Tuna Spaghetti.   Simple, masarap at hindi masyadong magastos.   Iilan din lang ang mga  sangkap na kailangan.   For sure magugustuhan ito ng inyong pamilya.


CREAMY TUNA SPAGHETTI


Mga Sangkap:








1/2 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions)



1 tetra brick All Purpose Cream






1 can Alaska Evaporated Milk (red label)






2 cans Tuna Flakes in Oil







1 cup grated Cheese







1 tsp. Dried Basil Leaves







1/2 cup Melted Butter







1 head Minced Garlic







1 pc. large Onion (chopped)







1 tsp. Maggie Magic Sarap







Salt and pepper to taste

















Paraan ng pagluluto:







1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.



2.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.



3.   Isunod na agad ang tuna flakes kasama ang oil nito.




4.   Ilagay na din ang evaporated milk at timplaha ng asin at paminta.   Hintaying bahagyang kumulo.
5.   Sunod na ilagay ang all purpose cream at maggie magic sarap.



6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.






7.   Ihalo ang nilutong spaghetti pasta at haluing mabuti.




8.   Isalin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang dried basil at grated cheese.



Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!































































































































































































































Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy