BEEF STROGANOFF
Ang Beef Stroganoff ay isang Russian dish na kinuha ang pangalan kung kanino nag-origin ito. Nanalo daw ang dish na ito sa isang paligsahan at mula noon at naging tanyag na ito sa ibat-ibang bansa at nagkaroon na din ng maraming bersyon.
Ilang beses na din ako nakapagluto nito pero ordinary cream lang ang aking ginagamit. Sa original recipe kasi sour cream ang inilalagay. Hindi ako pamilya sa lasa ng sour cream kaya hindi ko ito nasusubukan. Not until nitong huling try ko na magluto ulit nito. Kahit may kamahalan ang halaga ng sour cream ito ang ginamit. Pero hindi ako nagsisi, mas masarap ang kinalabsan ng aking beef stroganoff. For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya.
BEEF STROGANOFF
Mga Sangkap:
1 kilo Beef (thinly sliced into bite size pieces)
2 cup Sour Cream
1 can Sliced Button Mushroom
1/2 cup Melted Butter
2 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sunod na ilagay ang hiniwang sibuyas. Halu-haluin.
3. Sunod na ilagay ang hiniwang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-picnk ng karne.
4. Lagyan ng beef stock o tubig...takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig o sabaw ng baka kung kinakailangan.
5. Ilagay na ang sliced button mushroom. Takpan muli at hayaan ng mga 3 minuto.
6. Huling ilagay ang sour cream at Maggie Magic Sarap. Halu-haluin.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa
8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang nilutong toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments