CHEESY TUNA SPRING ROLL

Nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon for sure marami tayong natira o hindi naubos na mga pagkain.   Sayang naman kung mapapanis lang ito at matapon lang.   Kaya mainam na i-recycle ito para makagawa pa ng panibagong dish at mapakinabangan pa.

Kagaya ng mga natira nyong roasted chicken or steamed fish o kahit lechon baboy, pwede nyo itong gawing palaman sa lumpiang prito.   Hiwain o himayin lang ito ng maliliit at saka haluan ng sibuyas, grated cheese at iba pang pampalasa.   Balutin ng lumpia wrapper at saka i-prito.   Viola!!!  May masarap na pang-ulam ka na.

Sa recipe ko sa baba ay left-over canned tuna naman ang aking ginamit na palaman.   Masarap...malasa at tiyak kong magugustuhan ng nyong pamilya.


CHEESY TUNA SPRING ROLL

Mga Sangkap:
2 cups Left-over Ginisang Canned Tuna
Lumpia Wrapper
1 pc. Fresh Egg
1 pc. White Onion (chopped)
1 cup Grated Cheese
Salt and pepper to taste
 Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang paghaluin ang lahat na sangkap maliban sa lumpia wrapper at cookig oil.
2.   Ibalot ang pinaghalong sangkap sa lumpia wrapper sa nais na laki.   Tiyakin na nakasara ang binalot na lumpia.
3.   I-pritoito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang catsup o sweet chili sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy