SIOMAI MISUA at PATOLA SOUP

Kapag ganitong maulan ang panahon hindi ba masarap ang humigop ng mainit na sabaw?   Ofcourse walang tatalo sa nilagang baka o sinigang na baboy, pero bakit di nyo i-try itong siomai at patola na nilagyan ng misua?   I'm sure magugustuhan nyo din ito.   Ang mainam dito napakadali lang nitong lutuin.  Try nyo din po.



SIOMAI MISUA at PATOLA SOUP

Mga Sangkap:
30 pcs. Pork & Shrimp Siomai  (available in supermaket)
2 pcs. Fresh Patola (balatan then slice)
3 pcs. Misua Noodles
1 liter Pork Stock or 2 pcs Pork Cubes in 1 liter of water
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2.   Ilagay na agad ang pork stock o 1 liter na tubig at 2 pcs. pork cubes.
3.  Kapag kumulo na ang sabaw ilagay na ang patola, siomai at misua noodles.
4.   Timplahan ng asin at paminta.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy