MISUA with SIOMAI
Noong araw kapag tag-ulan, madalas magluto nitong misua na may bola-bola at patola ang aking Inang Lina. Masarap kasi ito at tamang-tamang pang-ulam o pang-meryenda man. Natatandaan ko noon, isinasabaw ko itong misua sa lamig na kanin at ayos na ayos na ang aking meryenda sa hapon.
This time siomai naman ang aking inilagay sa misua. Yung siomai na ginamit ko dito ay yung available na sa mga frozen section ng mga supermarket. Ginamit ko dito ay yung sa Puregold na pork and shrimp siomai.
Alam nyo, nung kinakain ko na ang misua soup na ito, nagbalik sa aking ala-ala ang luto ng aking Inang Lina. Hindi man kasing sarap ng kanyang luto, pero nalalapit na din ang lasa. Oh na miss ko bigla ang aking Inang Lina.
MISUA with SIOMAI
Mga Sangkap:
About 20 pcs. Pork & Shrimp Siomai
2 pcs. Misua Noodles
1 cup Katas ng Achuete
2 pcs. Pork Cubes
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
2 tbsp. Cooking Oil
Spring Onions
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.
2. Lagyan ng mga 2 litro na tubig at hayaang kumulo.
3. Kapag kumukulo na, ilagay ang katas ng achuete, pork cubes at ang siomai.
4. Isunod na agad ang misua noddles at timplahan ng asin at paminta.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6. Lagyan ng hiniwang spring onions to garnish.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments