SINIGANG na ULO ng LAPULAPU na may SQUID ROLL
Sa fish section ng SM Supermarket sa Makati, may ibinebenta doon na mga ulo ng isda sa mura lang na halaga. May tuna, salmon, tanigue, lapu-lapu at iba pa. Yun lang pipili ka talaga nung maganda at medyo malaman pa. Masarap na gawin itong fish stocks para sa iba pa nating lutuin o soup. Kung malaman naman ang makuha mo masarap ito isigang.
At yun nga ang ginawa ko. Kaso iniisip ko kung kakasya ba sa amin ang nabili ko. Kaya ang ginawa ko hinaluan ko pa ito ng squid roll na available din sa supermarket na yun. At ayos naman ang kinalabasan. Masarap na sabaw at may makakain ka pang squid rolls. Yummy!!!!
SINIGANG na ULO ng LAPULAPU na may SQUID ROLL
Mga Sangkap:
1 kilo Ulo ng Lapulapu (...piliin yung may laman....cut into serving pieces)
10 pcs. Squid Roll
5 cloves minced Garlic
1 pc. Onion (Sliced)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
Kangkong
Sitaw
Okra
Labanos
1 sachet Sinigang Mix
Salt or patis to taste
2 tbsp. Cooking Oil
1 liter Hugas Bigas
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
2. Ilagay na agad ang hugas bigas..takpan at hayaang kumulo.
3. Sunod na ilagay ang sitaw, okra at labanos. Takpan muli at hayaang maluto ito.
4. Kung malapit nang maluto ang gulay, ilagay na ang ulo ng lapulapu at ang squid rolls.
5. Timplahan na din ng sinigang mix at kaunting asin o patis. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda.
6. Huling ilagay ang talbos ng kangkong.
7. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments