GINISANG MUNGGO con PATA
Nasubukan nyo na bang mag-sahog ng pata ng baboy sa inyong nilulutong ginisang munggo? Ako nito ko lang nasubukan. At wag ka, masarap ha. Malasang-malasa ang piaka-sabaw nito dahil sa katas ng pinlambot na pata.
Pero depende din sa pata kung kailan mo siya iasasabay na ilaga kasama ng mungo. Itong kasing sa niluto sabay ko ito pinakuluan. Ang siste, malambot na ang pata pero hindi pa durog na durog ang munggo. Kaya ang ginawa ko, hinango ko muna ang pata at itinuloy ang pagpapakulo sa munggo.
Pero winner talaga ang ginisang munggo na ito. Ito siguro ang the best ginisang munggo na naluto ko. Try nyo din po.
GINISANG MUNGGO con PATA
Mga Sangkap:
1 whole Pork Leg o pata (sliced)
2 cups Green Monggo Beans.
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
a bunch of Ampalaya Leaves
4 pcs. Siling Pang-sigang
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taste
Pork Chicharon
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang pata at ang munggo sa isang kaserolang may tubig at asin hanggang sa maluto. Kagaya ng nasabi ko sa itaas, kung naunang lumambot ang patam hanguin muna ito at ituloy na lutuin ang munggo.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
3. Isalin ito sa munggo na niluto at ilagay din ang pinlambot na pata.
4. Timplahan ng asin pa, Maggie Magic Sarap at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Huling ilagay ang silig pang-sigang at dahon ng amplaya.
6. Hanguin sa isang bowl at ilagay sa ibabaw ang chicharong baboy na tinadtad.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments