KALDERETANG BUTO-BUTO


Ang kaldereta ang isang lutuin na talaga namang espesyal. Matitikman natin ito sa mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta, kasalan, binyagan o kaya naman birthday. Kambing o baka ang pangkaraniwang ginagamit dito. Pero kahit naman baboy o manok ay pwede ding gamitin sa putaheng ito. Katulad ng entry natin for today, spareribs o buto-buto ng baboy ang ginamit ko dito. At isa pa, medyo shortcut ang luto na ginamit ko dito. Instant kaldereta mix kasi ang ginamit ko. hehehehe. Try it! Isa na namangmasarap na putahe ito.

KALDERETANG BUTO-BUTO

Mga Sangkap:

1 kilo Pork Spareribs cut into serving pieces
1 medium carrots cut into cubes
2 medium potatoes cut into cubes
1 large red bell pepper
1 sachet Mama Sita Calderta Mix
1/2 cup vinegar
1/2 up soy sauce
2 tbsp. peanut butter
5 cloves minced garlic
1 large red onion chopped
2 large tomatoes chopped
salt and pepper

Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang buto-bito o spareribs. Halu-haluin.
3. Timplahan ng asin, paminta, suka at toyo. Takpan at hayaang masangkutsa.
4. After ng mga 5 minuto, lagyan ng tubig...yung tama lamang hanggang sa lumambot ang karne. 5. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay ang patatas, carrots at siling pula. Hayaan ng mga 5 minuto uli.
6. Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay ang caldereta mix. Lagyna ng kautning tubig kung kinakailangan. Ilagay na din ang peanut butter.
7. I-adjust ang lasa. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!

Comments

Cool Fern said…
nakakatakam..katakam takam talaga...
Dennis said…
Ito ang love na love ng asawa nung niluto ko...dusto kasi niya yujng may kinukutkut na mga buto...hehehehe. And yes, sarap talaga...hehehehe
Anonymous said…
pano po ung peanut butter?kasabay po ba ng caldereta mix?
Anonymous said…
I was just looking for a chicken pastel resipe kasi it's a long time request of my inay anfd ate, and accidentally I fould your website. Thanks a lot. I'll keep you posted as soon as I cooked it during my rest day. Matutuwa na si mama.

Keep on posting more recipe para may pattern ako, i really love it, and i'm super adik when it comes to cooking.

Happy cooking Kuya Dennis.
sHenGGie said…
i'm planning to cook this tonight, saang part ang peanut butter? ;)
Dennis said…
@ Shenggie....sa last 5 minutes ng cooking. Sorry kung na-miss ko yung part na yun. Bale yun ang magpapalapot sa sauce.
yikkee_25 said…
wow tnx here..!! i can learn now how to cook w/o my mom's help..
ms_che said…
thank u so much sir!! napaka laking tulong sakin nito, araw araw sumasakit ulo ko kakaisip ng lulutuin, ang mahirap kasi hindi ako talaga marunong, husband ko lagi nagluluto, pero ngayon ako na! hahaha
buti talaga nakita ko 'to.. :D
...keep on posting more recipe! god bless! :)
Dennis said…
@ yikkee_25....Thanks for visiting....Share mo naman sa akin kung ano-ano na ang na-try mo lutuin. If you have questions just email me.

Dennis
Dennis said…
@ Ms_che.....Salamat-salamat...sa mga katulad nyo kaya nagpapatuloy ang food blog kong ito. Please share this also with your friends and relatices. Thanks again


Dennis
WiLd said…
natatakam tuloy ako....gagawin ko na ngayon para sa asawa ko....nag-iisip kc ako kung anong dapat gawin sa pork eh...thank you so much...
mary said…
ahmp.. ask ko lng pude bng ilagay nlng liver spread instead of peanut butter ? ... tnx
mary said…
This comment has been removed by the author.
Dennis said…
Hi Mary...actually liver spread at peanut butter ang nagpapasarap talaga sa caldereta. Komo caldereta mix ang ginamit ko dito, hindi ko na nilagyan ng liver spread. Peanut butter na lang. HIndi kasi lahat ng nagluluto ng caldereta naglalagay ng peanut butter.

Thanks Mary
gilgal said…
Salamat sir Dennis, ipagluluto ko nga nito si misis.
leigh said…
sobrang thankyou po sa mga recipes na shineshare nyo :D
czamantta said…
tenx poh..kaso wla po aq kaldereta mix..panu po un?,,thesstib
czamantta said…
tenx po ..kaso pano kpag wlang caldereta mix?..
czamantta said…
tenx po..panu po kng wlang caldereta mix?..
Dennis said…
@ leigh and gilgal....salamat sa patuloy nyong pag-suporta.....Merry Christmas


Dennis
Dennis said…
@ czamanta....tomato sauce tomato paste at liver spread pwede rin. Lagyan mo na lang siguro ng chili powder or fresh chili para umanghang.

Thanks
Unknown said…
Hi Mang Dennis ,

maraming salamat po sa iyong mga masasarap na recipe and I am wishing you and your family a merry merry xmas PO ! and a happy new year !!

regards,

Elma
PHnom Penh Cambodia
Dennis said…
@ My furry place....Salamat naman at nagustuhan mo ang blog. Thank you for all your support.

Happy New year to you and your family!!!!
nylede said…
Hi Dennis! I cook caldereta often but there is always " that taste " that i look for and haven't found yet. Today, i am again planning to cook caldereta for lunch so i searched the net and came across your site. Now, i have a new recipe to try. Thank you Dennis and Happy New Year!
coolkizzes said…
sa aking paghahanap ng mga recipe ng ka;dereta ito lng nagustohan ko,, gusto ko xa iluto bukas nmimiss ko n kasi magluto. tnx mr Dennis for this recipe..
Dennis said…
Hi Nylede....Sorry for my very very late reply...May kalumaan na din kasi ang post kong ito. hehehe. But anyways, natutuwa naman ako at nagustuhan mo ang post kong ito. Kamusta ang result ng kaldereta mo? ok ba?
Dennis said…
Thanks coolkizzes....Try mo..masarap yan...hehehe...let me know the result pag na-try mo na.
rosela sangco said…
niluto ko rin ito noong pasko. my family loves this putahe..mga tatlo sa mga recipe mo ang niluto ko noong pasko.maraming maraming salamat talaga sa iyo, napapasaya ko ang family ko by preparing great foods for them. thank you so much, merry christmas to you and to your family.!!
Dennis said…
Thanks Rosela...mas lalo akong nai-inspire na magpatuloy pag nakakabasa ako ng kagaya nito. :)
yoyoy said…
hi chef dennis ang galing nman ng kaldereta mo.
nasanay kasi akong gumamit ng livers spread at gata.
meron pa palang alternative ingredients bukod dito
try ko nga ito para maiba nman

thanks
Dennis said…
Thanks Yoyoy....sige i-try mo...masarap din talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy