BATCHOY TAGALOG with MISUA

Medyo lumalamig na ang panahon.   Nagpapaalala lang na papalapit na talaga ang kapaskuhan.   At kapag ganitong medyo malamig ang panahon, masarap humigop at mag-ulam ng pagkaing may sabaw.

Kagaya nitong Batchoy Tagalog with Misua.   Isa ito sa mga soup dish na paborito ko kahit noong bata pa ako.   Pero yung niluluto ng Inang ko noong araw ay walang misua.   Dito lang sa Maynila ko natutunan at nakakita na naglalagay ng misua sa batchoy at masarap naman din nung matikman ko.


BATCHOY TAGALOG with MISUA

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Lomo (cut into small cubes)
300 grams Pork Liver (cut into small cubes)
1 pc. large Sayote (cut into small cubes)
2 pcs. Misua Noodles
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
5 pcs. Silinjg Pang-Sigang
a bunch of Sili Leaves
2 pcs. Knorr Pork Cubes
3 tbsp. Cooking Oil
Salt (or patis) and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwang pork lomo at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
3.   Lagyan ng nais na dami ng tubig para sa sabaw.  Takpan at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
4.   Sunod na ilagay ang sayote, atay ng baboy at knorr pork cubes.   
5.   Sunod namang ilagay ang misua at siling pang-sigang.   Halu-haluin.
6.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
7.  Huling ilagay ang dahon ng sili.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Anonymous said…
interesting dish. does this taste like tinola?
Dennis said…
Yup parang ganun nga...but the pork version.


Dennis
Anonymous said…
thank you. ma-try nga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy