CREAMY POTATO SOUP
Another #cremamoments ang ise-share ko sa inyo for today. Yes. Creamy Potato Soup gamit ang Alaska Crema na prize sa akin sa pagkapanalo ko sa nakaraang Alaska Kitchen Challenge 2.
Niluto ko ito nung mag-off from her work ang asawa kong si Jolly. Syempre, bihira lang naman kami magkasabay-sabay na kumain kaya sa pagkakataon na yun ay sinamantala ko na at nagluto ako ng masarap at espesyal na lunch para sa kanila.
Roasted Chicken ang main dish na niluto ko for that lunch. At tamang-tama ang soup na ito na aking ginawa terno sa chicken. At hindi naman ako nabigo, nagustuhan at nasarapan naman ang aking asawa at mga anak. Try nyo din po.
CREAMY POTATO SOUP
Mga Sangkap:
500 grams Potatoes (balatan at hiwain ng pa-cube)
1 litter Chicken or Pork stock (pwede din 2 pcs. Chicken or pork cubes)
1/2 cup Melted Butter
1 tetra brick Alaska Crema
5 cloves Minced Garlic
1 medium size Red Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
Croutons to garnish
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2. Isunod na agad ang patatas, chicken or pork stock at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang kumulo hangang sa maluto ang patatas.
3. Hanguin sa isang lalagyan ang papatas at palamigin. Samahan ng sabaw na pinaglagaan.
4. I-blender ang patatas na may sabaw hanggang sa maging smooth o maging pino ito.
5. Ibalik sa kaserolang pinaglagaan at lutuin pa sa mahinang apoy.
6. Huling ilagay ang Alaska Crema at halu-haluin.
7. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa na may croutons sa ibabaw.
Enjoy!!!!!

Comments