CRAB and CORN SOUP - Chinese Style
The easiest way to cook this is to use Knorr instant Crab and Corn Soup Mixes na available sa mga supermarket. Just add water, boil and add 1 egg at meron ka nang crtab and corn soup Chinese style.
Pero syempre, iba pa rin ang lasa nung pinagpaguran talaga lalo na kung ang kakain nito ay ang inyong mga mahal sa buhay. Also, dun sa instant hindi masyadong visible yung crab meat o sticks not like etong version na ginawa ko. Sagana talaga ito sa crab sticks. hehehehe
Ang pinaka-key sa paglulutong nitong soup na ito ay ang magandang quality ng sabaw na gagamitin. Sa version kong ito ay sabaw ng pinakuluang manok ang aking ginamit. Bale pinakuluang manok na nilagyan ko lang ng ginayat na sibuyas at kaunting asin.
CRAB and CORN SOUP - Chinese Style
Mga Sangkap:
2 liters Chicken Stock o sabaw ng pinakuluang manok
10 pcs. Crab Sticks (himayin o cut into strips)
1 can Sweet Corn kernel
1 pcs. Onion (chopped)
2 pcs. fresh Eggs (beaten)
2 tbsp. Cornstarch (disolved in 1 cup water)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang sabaw ng manok, ginayat na sibuyas at sweet corn kernel. Isama na din ang sabaw ng mais.
2. Kapag kumulo na, ilagay na ang hinimay na crab sticks at ang tinunaw na cornstarch. Patuloy na haluin. Maaaring lagyan pa ng tinunaw na cornstarch kung hindi pa sapat ang lapot ng sabaw.
3. Ilagay na din ang binating itlog at patuloy na haluin para hindi magbuo-buo ang itlog.
4. Tikman ang sabaw bago timplahan ng asin at paminta.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments