BATCHOY TAGALOG


Kapag narinig natin ang Batchoy ang unang pumapasok sa isip natin ay yung La Paz Batchoy na noodle dish na maraming sahog sa ibabaw at may chicharon pa.  Masarapa naman talaga ang noodle dish na ito.

Pero itong batchoy na sinasabi ko naman ay yung soup dish na parang tinila ang pagkaluto.   Mga lamang-loob ng baboy kagaya ng lapay, puso, bato ang sahog nito.   Mayroon din itong lomo o yung malambot na parte ng baboy at nilalagyan din ng nabuong dugo ng baboy.   Sa gulay, sayote, sili at dahon ng sili ang inilalagay din dito.

Isa sa mga paborito kong may sabaw na ulam ang dish na ito.   Natatandaan ko nagluluto nito ang aking Inang Lina at sarap na sarap talaga ako sa sabaw nito.

Matagal nang hindi ako nakakapagluto nito.   Mahirap kasing makahanap ng sariwang lamang-loob ng baboy.   Pero nitong huling pamamalengke ko sa Agora market sa San Juan, naka-tyempo ako ng sariwang lapay, puso at bato ng baboy.   At itong batchoy tagalog nga ang unang pumasok sa isip ko.     Huwag lang kakalimutan na hugasang mabuti ang mga lamang-loob ng baboy dahil may amoy ito at maaring lumasa at maka-apekto sa inyong lulutuin.

Kaya eto, ang sarap higupin ang sabaw lalo pang umuulan.   Try nyo din po.


BATCHOY TAGALOG

Mga Sangkap:
About 1 kilo = Atay, lapay at bato ng Baboy (linising mabuti at hiwain ng maliliit)
1/2 kilo Pork Lomo (cut into small cubes)
2 pcs. Sayote (cut into cubes)
4 pcs. Siling Pang-Sigang
Dahon ng Sili
2 thumb size Ginger (cut into strips
1 pc. Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Pork Cubes (optional)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Unang ilagay ang hiniwang puso ng baboy dahil ito ang medyo matagal lumambot.   Lagyan ng mga 2 tasang tubig at hayaang kumulo.
3.   Kung malambot na ang puso, ilagay na ang bato, lapay at lomo na hiniwa.   Takpan muli at hayaang maluto ang lamang-loob.
4.   Lagyan na ng nais na dami ng tubig pang-sabaw at timplahan ng asin at paminta.
5.   Sunod na ilagay ang siling pang-sigang at sayote.   Takpan at hayaang maluto ang gulay.
6.   Huling ilagay ang dahon ng sili, pork cubes at maggie magic sarap.
7.   Tikman ang saw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy