GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI
Naging kaugalian na nating mga pinoy ang pag-uulam ng ginisang munggo tuwing Biyernes. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan pero sa pagka-alam ko, related ito sa kuwaresma kung saan hinihikayat tayo ng simbahan na huwag kumain ng karne tuwign Biyernes.
Pangkaraniwan, hipon o isda ang isinasahog natin sa ginisang munggo. Pero kung gusto nyong gawing extra special, pwede din nyo itong lagyan ng sugpo o lechon kawali. Also, mainam na lagyan nyo ng taba ng baboy ang munggo habang pinapakuluan nyo ito. Although hindi masyadong healthy pero mas nagiging malasa ang sabaw nito. Kagaya nitong niluto ko na ito. Yung taba na ginamit ko ay mula sa tira-tirang taba sa nilagang baboy na inulam namin nitong nakaraang araw.
GINISANG MUNGGO with LECHON KAWALI
Mga Sangkap:
1 cup Green Monggo Beans
300 grams Lechon Kawali (http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/05/lechon-kawali.html)
2 cups Pork Fats (cut into cubes)
3 cups Pork Stock
5 cloves minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
Dahon ng Ampalaya
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, ilaga ang munggo at taba ng baboty hanggang sa maluto o madurog na ito.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang pork stock at hayaang kumulo.
4. Isalin ang ginisang sabaw sa nilagang munggo at timplahan ng asin.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang dahon ng ampalaya.
7. Hanguin sa isang bowl at ilagay sa ibabaw ang luto nang lechon kawali.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!!
Comments