SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK


Nasubukan nyo na ba itong Mama Sitas Sinigang sa Sampalok mixes?    Kumpara sa mga powder mixes na madalas nating gamitin,ito naman ay hindi powder kundi tunay na laman ng sampalok at mayroon ding gabi.   Ang mainam din dito, hindi ito masyadong maalat.

Ito ang pang-asim na ginamit ko sa espesyal na sinigang na baka na ito sa sampalok na may gabi pa.   Ang sarap talaga lalo na yung sabaw.   Tamang-tamalang yung asim at nag-blend talaga sa lasa ng karne ng baka.  Try nyo din po.


SINIGANG na BAKA sa SAMPALOK

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (cut into cubes)
1 tetra pack Mama Sita's Sinigang sa Samplalok mixes
3 pcs.Gabi (cut into cubes)
Sitaw (cut int 1 inch long)
Kangkong
Labanos
Siling Pang-sigang
2pcs. Kamatis (sliced)
1 large Onion  (sliced)
Salt to taste

Paraan ng Pagluluto:
1.   Sa isang kaserolang may tubig at asin palambutin ang karne ng baka.
2.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang kamatis, sibuyas at gabi.   Hayaang maluto ang gabi.
3.   Sunod na ilagay ang sitaw at labanos.  Hayaang maluto ito.
4.  Huling ilagay ang Mama Sitas Sampalok Mixes at Kangkong.
6.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy