PUMPKIN SOUP with COCONUT MILK - The Winning Soup


Sa nakaraang espesyal na tanghalian pinahanda ng hipag kong si Lita, bukod sa mga pagkaing hiniling niya na lutuin ko, gumawa din ako ng soup na siyang ipinanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge nitong mga nakaraang buwan.   Naisip ko rin na gumawa nito para naman kako may sabaw din dahil puro dry at ma-sauce ang mga ulam.

Para mas maging espesyal talaga ang panaghaliang yun, sa halip na ordinaryong kalabasa ang gamitin, butternut squash ang ginamit ko.   Sobrang mahal nito kumpara sa ordinaryong kalabasa.   Sa totoo lang, hindi ako sure kung ano ang lasa nito.   Basta ang alam ko lang base sa mga nabasa ko sa internet na masarap ito talaga sa soup.

At tunay nga, masarap at nagustuhan ng mga kumain ang winning soup ko na ito.   Panalo!!!


PUMPKIN SOUP with COCONUT MILK - The Winning Soup

Mga Sangkap:
750 grams Butternut Squash o Ordinaryong Kalabasa (cut into cubes)
1 can Coconut Milk
1 tetra brick Alaska Crema
1/2 liter Chicken Stock or 4 pcs. Chicken Cubes + 1/2 liter na tubig
1 head Minced Garlic
1 large White Onion (chopped)
1/4 bar Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.  Sunod na ilagay ang hiniwang butternut squash o kalabasa at tiplahan ng asin at paminta.
3.   Sunod na ilagay ang chicken stock o ang chicken cubes at 1 litter na tubig.  Hayaang kumulo hanggang sa maluto o lumambot ang kalabasa.  Palamigin sandali.
4.   I-blender in batch ang nalutong kalabasa kasama ang sabaw nito hanggang sa smooth na ito.
5.   Ibalik muli sa kaserola at hayaang kumulo.
6.   Kapag kumulo na, hinaan ang apoy at ilagay na ang coconut milk at Alaska Crema.  Halu-haluin.
7  .Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.   Maaari ding lagyan ng croutons sa ibabaw.

Enjoy!!!!!


#cremamomments
#mgalutonidennis






Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy