PESANG TANIGUE

Kapag masarap na klase ng isda ang aking iluluto, hindi ko na ito nilalahukan pa ng kung ano-ano pang mga sankap.   Natatabunan kasi yung masarap na lasa ng isda.

Kagaya nitong tanigue na nabili ko nitong isang araw.   Alam natin na medyo may kamahalan ang isdang ito dahil masarap naman ito talaga.  

Nung una ipi-prito ko lang sana ito at lalagyan ng bistek sauce pero naisip ko na mas maganda siguro kung yung pinaka-simpleng luto ang gawin ko para malasahan talaga yung sarap ng isda.  

At itong pesa nga ang aking ginawa.  Ang pinesa ang pinaka-simpleng luto na may sabaw na pwedeng gawin sa isda.   Pangkaraniwan ay dalag ang isdang ginagamit dito pero dito nga sa post ko na ito ay tanigue naman.   And yes, isang masarap na sinabawang isda ang kinalabasan.


PESANG TANIGUE

Mga Sangkap:
1 kilo Tanigue
Repolyo (cut into smaller pieces)
Pechay Tagalog
Leeks (cut into 1 inch long)
2 pcs. Potatoes (quatered)
2 pcs. Onion (quatered)
2 thumb size Ginger (pitpitin)
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola magpakulo ng tubig na may pinitpit na luya at sibuyas para sa sabaw.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
2.   Ilagay ang patatas.   Takpan muli at hayaang  maluto.
3.   Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay na ang isda at muling takpan.
4.   Kapag kumulo na uli ilagay na ang repolyo, pechay at leeks.
5.   Timplahan ng asin o patis ayos sa inyong panlasa.
6.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Parang kulang yun ingredients kasi wala na mentioned buong paminta na magdagdag ng masarap na lasa. Palagay po ninyo??
Dennis said…
Yup. Pwede naman talagang lagyan ng paminta. Pero dito sa niluto ko na ito hindi ko na nilagyan. Salamat :)

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy