GINULAY NA MAIS

Matagal na akong hindi nakaka-kain ng Ginulay na Mais.  Noong araw kasi nagluluto ng ganito ang aking Inang Lina lalo na pag panahon ng mais.   Ang sarap kainin o higupin nito lalo na ngayon maulan ang panahon.   Masarap ding i-pair ito sa mga pritong isda, manok o baboy man.

Nitong araw may nakita akong binebentang sariwang mais sa palengke na aking nadaraanan.   Naisipan kong bumili ng 1 kilo o apat na piraso para nga makapagluto na ako nitong ginulay na mais.

Also, sa nakalakihan kong recipe ang isinasahog ng aking Inang ay giniling na baboy at hipon.   Sa version ko naman, tira-tira manok ang aking inilagay.   Nakakatuwa dahil nagustuhan ito ng aking mga anak lalo na ang bunso kong si Anton.


GINULAY NA MAIS

Mga Sangkap:
1 kilo Fresh na Mais (gayatin at alisin sa busal)
1 Whole Chicken Breast
Malungay leaves
1 tsp. Sugar or 1 tsp. Magic Sarap
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
2 tbsp. Cooking Oil
 Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola pakuluan ang manok sa tubig na may kaunting asin ng mga 15 minuto.   Palamigin ang manok at saka himayin ang laman.  Itabi ang sabaw na pinaglagaan.
2.   Sa isang kaserola pa rin, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Ilagay na agad ang mais at ang hinimay na manok at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
4.   Ilagay na din ang sabaw na pinaglagaan at hayaang kumulo ng mga 15 minuto.   Maaring lagyan pa ng tubig kung gusto ninyong mas marami itong sabaw.
5.   Timplahan ng 1 tsp. na asukal o 1 tsp. na Magic Sarap.
6.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
7.   Huling ilagay ang dahon ng malungay.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Dennis said…
Salamat din Jerome :)

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy