RED SINAMPALUKANG MANOK
Isa sa mga paborito kong luto sa manok ay itong Sinampalukan. Madalas magluto nito ang aking Inang Lina lalo na kung maulan at masibol ang usbong ng sampalok.
Yes, usbong ay yung murang dahon ng sampalok na ginagamit na pang-asim sa sinampalukan. Ginagawa at ginagamit pa rin itong usbong ng sampalok sa amin sa Bulacan. Yun lang dito sa siyudad sinigang mix na lang ang pwede nating magamit na pang-asim.
Itong version ng sinampalukang manok ko na ito ay nabasa ko din lang sa website ng Del Monte. Kung mayroon nang Red Sinigang at Red Bulalo, nadagdag pa itong Red Sinampalukang Manok.
Actually, pareho lang siya ng orihinal na sinampalukang manok. Ang pagkakaiba lang ay ang pagdagdag dito ng tomato sauce kaya ito nagkulay red. Masarap naman siya. Nandun yung natural sweetness at asim ng tomato sauce. Try nyo din po.
RED SINAMPALUKANG MANOK
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 (250grams) pack Del Monte Tomato Sauce
1 large pack Sinigang Mix
2 thumb size Ginger (sliced)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
5 pcs. Siling Pang-sigang
Sitaw
Okra
Salt or Patis to taste
2 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay na ang manok at timplahan ng asin o patis. Takpan sandali at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan na ng nais na dami ng tubig para sa sabaw. Hayaang kumulo.
4. Kapag kumulo ilagay na ang tomato sauce. Takpan muli at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
5. Ilagay na ang sinigang mix, sitaw, okra at siling pang-sigang. Hayaang maluto.
6. Timplahan ng asin o patis. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa
Ihain banag mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!

Comments