CREAMY COCO PUMPKIN SOUP - Using Alaska Crema
Ito po ang winning dish ko nitong nakaraang Round 3 ng Alaska Crema Kitchen Challenge 2. Creamy Coco Pumpkin soup. Hayaan nyo pong mai-share ko sa inyo ito at makasama kayo sa aking kasiyahan at tagumpay.
Nang makausap ko sa telepono ang staff ng Alaska tungkol sa pagkapanlo ko, nai-share niya ang ilan sa mga comment ng mga chef judges na humusga sa aking recipe. Ang sabi daw, nagustuhan nila yung pagbe-blend ng lasa nung coconut milk, butter, cream at kalabasa. At yun din nga ang alam kong strenght ng aking dish. Yung pagsamahin mo ba ang kalabasa at gata ng niyog tapos sinamahan mo pa ng cream at butter...Panalo ang lasang ito. Try nyo din po.
CREAMY COCO PUMPKIN SOUP
Mga Sangkap:
300 grams Squash/Kalabasa cut into small cubes
5 cups Chicken broth or 5 cups Water & 2 Knorr Chicken Cubes
2 cups Coco milk
1 tetra brick Alaska Crema
1/2 cup Butter
3 cloves minced Garlic
1 pc. medium size Onion Sliced
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2. Ilagay ang kalabasa at sabaw ng manok. Pakuluin at hayaang lumambot ang kalabasa.
3. Isalin ang pinalambot na kalabasa sa blender.
4. Ilagay na din sa blender ang coco milk at Alaska Crema.
5. I-blender ito hanggang sa maging pino ang mga pinaghalong sangkap.
6. Ibalik sa kaserola at painiting muli.
7. Timplahan ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaaring lagyan pa ng butter kung nais.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments