PESANG ULO NG SALMON
Para sa akin, kapag masarap na ang isang isda, hindi ko na ito nilalagyan pa ng kung ano-anong pampalasa o rekado. Tama na sa akin ang lutuin ito sa pinaka-simpleng pamamaraan kagaya ng pag-ihaw o yung sasabawan.
Kagaya nitong isdang salmon. Alam naman natin masarap na isda ito at may kamahalan. Sa kahilingan na din ng aking asawang si Jolly, napabili ako ng ulong bahagi nito para kako masabawan. Mainam naman at yung nabili ko ay yung malaman at maganda ang pagka-cut at may kasama pang buntot na parte.
Pesa o nilaga ang ginawa kong luto dito. Maging ang gulay na sinahog ko dito ay dalawang klase lang. Bok choy o Chinese pechay at patatas. Kaya naman ang kinalabasan ay isang masarap na sinabawang isda na tamang-tama sa maulan panahon na ito.
PESANG ULO NG SALMON
Mga Sangkap:
2 pcs. Ulo ng Salmon (cut into serving pieces)
Bok Choy o Pechay tTagalog
2 pcs. medium size Potato (quatered)
1 tsp. Whole Pepper Corn
2 thumb size Ginger (pitpitin)
1 pc. large size Onion (quatered)
1/2 tsp. Magic Sarap (optional)
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig depende sa nais na dami ng sabaw. Kasamang pakuluan ang pinitpit na luya, sibuyas at patatas.
2. Kapag malapit nang maluto ang patatas, ilagay na ang hiniwang ulo ng salmon at timplahan ng asin at pamintang buo. Hayaan ng mga 5- minuto.
3. Timplahan ng magic sarap at ilagay na din ang bok choy o pechay tagalog.
4. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!

Comments