BABY POTATOES in CHEESY CARBONARA SAUCE
Bumili ulit ng baby potatoes ang asawa kong si Jolly. Favorite kasi niya ito at ng aming mga anak. Para maiba naman ang aming breakfast, ito ang niluto ko para sa kanila.
At para maiba naman din ng kaunti sa dati ko nang naluto, yung instant carbonara sauce sa available sa market anag aking ginamit na sauce. Actually, first time ko lang gumamit ng carbonara sauce na ito. Hindi ako sure pa sa lasa at sa kakalabasan ng dish kong ito.
Para hindi malagay sa alanganin ang aking finished product, nilagyan ko pa ito ng Cheeze Magic ng Del Monte para pandagdag sarap at linamnam. At hindi nga ako nagkamali, masarap at malasa at nagustuhan talaga ng aking pamilya ang baby potato dish na ito.
BABY POTATOES in CHEESY CARBONARA SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (cut into half)
300 grams Bacon (cut into small pieces)
1 cup Evaporated Milk
1 tetra pack Clara Ole Carbonara Pasta Sauce
1 tetra pack Del Monte Cheese magic
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
3 tbsp. Melted Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Ilaga ang baby potatoes sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin. I-drain.
2. Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa mautsta ng bahagya. Hanguin sa isang lalagyan.
3. I-prito din ang bawang hanggang sa mag-golden brown at hanguin sa isang lalagyan.
4. Igisa ang sibuyas at halu-haluin.
5. Ilagay na ang evaporated milk, carbonara sauce at ang cheese magic.
6. Timplahan na din ng kaunting asina t paminta.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa
8. Ihalo ang nilagang patatas at haluing mabuti.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bacon at toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments