CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS

Basta espesyal na okasyon espesyal din at mga kakaiba ang inihahanda o niluluto ko.   Yun din kasi ang gusto ng aking asawang si Jolly.  Kagaya nitong nakaraan naming noche buena, mga kakaiba o espesyal na putahe ang aking inihanda.

Isa na dito itong California Maki with Crab Salad Toppings.   Nagaya ko ito sa isang Japanese restaurant na nakainan ko.   Yun lang hindi ganun kaganda ang hiwa komo ordinary knife lang ang ginamit.   Pero panalo ang lasa at sarap nito.  Para ka na ding kumain sa isang mamahaling Japanese restaurant.


CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS

Mga Sangkap:
Japanese Rice
Crab Sticks
Nori (that black seaweeds sheets)
Japanese Mayonaise
Ripe Mango (cut into strips)
Salt and pepper to taste

Note:    Ang dami ng mga sangkap ay depende sa dami ng lulutuin.
 
Paraan ng pagluluto/assemble:
1.   Isaing ang Japanese rice katulad ng pagsasaing sa ordinaryo na bigas.   Palamigin.
2.   Gamit ang sushi matt, latagan ito ng plastic sa ibabaw.
3.   Lagyan ng nilutong Japanese rice sa ibabaw at ayusin ang pagkakalagay.
4.   Lagyan ng nori sheet at hilerahan ng hiniwang mangga at crab stick sa may bandang dulo.
5.  I-roll ito ng dahan-dahan at tiyakin na mahigpit ang pagka-rolyo.
6.   Hiwain ito sa nais na laki
7.   For the toppings, paghaluin lang ang hinimay na crab sticks, Japanese mayonaise at kaunting asin at paminta.
8.   Ilagay ito sa bawat piraso ng maki.

Ihain na may kasamang kikoman sauce, calamansi at wasabi.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy