VIETNAMISE SPRING ROLL with SISIG
Ito ang espesyal na dish (appetizer) na inihanda ko sa thanksgiving lunch na ginawa namin last June 24. Vietnamise Spring Roll with Sisig.
Nakagawa na ako ng dish na ito nung minsang nangailangan na magdala ng Vietnamise food ang anak kong si James sa kanilang paaralan. In that version, tira-tirang bistek at tocino ang aking ipinalaman sa halip sa roasted beef or chicken. Masarap ang kinalabasan at nagustuhan daw ng kaniyang guro.
Dapat sana tocino din ang aking ilalagay pero nakita ko itong lata ng sisig sa aking cabinet. Ang ginawa ko, ininit ko lang ito sa kawali at nilagyan ng binating itlog. Atpagkatapos nun ay nilagyan ko naman ng mayonaise.
Masarap talaga abng kinalabasan. Nagustuhan nga ng aking boss ito at nagpapaturo kung papaano ko ito ginawa. Madali lang naman at kayang-kaya nyo din gawin ito.
VIETNAMESE SPRING ROLL with SISIG
Mga Sangkap:
250 grams Pork Sisig
2 pcs. Fresh Eggs
1 cup Mayonaise
Sotanghon Noodles (ibabad sa mainit na tubig hanggang sa maluto)
Rice Paper
Romaine Lettuce
Carrots (cut into sticks)
Cucumber (cut into sticks)
Parsley, Kinchay, Cilantro or Wansuy
Patis
Salt and pepper to taste
To Assemble:
1. Timplahan ng kaunting patis ang sotanghon noodles na ibinabad sa mainit na tubig at na-drain.
2. Sa isang bowl paghaluin ang ininit na sisig na nilagyan ng itlog at mayonaise. Timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
3. Ilubog ang rice paper sa tubig ng mga 5 segundo.
4. Ilatag ang rice paper sa isang plato at ilagay ang romaine lettuce, pipino, carrots, cilantro, sotanghon noodles at ang palamang ginawa.
5. I-roll ito ng mahigpit.
6. Mag-lubog muli ng isa pang rice paper at i-roll ulit ang naunang ibinalot na spring roll.
7. Hiwain sa nais na laki at ilagay sa isang lalagyan.
I-serve agad.
Enjoy!!!!!
Note: Yung pict po sa itaas ang kuha dun sa unang version ko na nagawa. Yung 2nd version hindi ko na po nakuhanan ng picture at naubos agad....hehehehe
Comments