CHEESY BABY POTATOES with PIMIENTO


Paborito ng aking asawang si Jolly at aking mga anak itong Baby Potatoes na ito na may bacon at cheese.   Masarap naman kasi talaga ito.   Nagluluto lang ako nito kapag may espesyal na okasyon kagaya ng Pasko at Bagong Taon.   Maraming beses ko na ding na-post ito dito sa blog.

Nitong nakaraang Chinese New Year (hindi man kami Chnese...hehehehe) ay nagluto ako nito sa kahilingan na din ng aking asawa.   At para mas maging espesyal pa ito at magkaroon pa ng extra na flavor, nilagyan ko pa ito ng pimiento o chopped red bell pepper.   Ang sarap ng kinalabasan kaya ayun isang daupan lang ay naubos ang aking niluto.   Yummy talaga!!!


CHEESY BABY POTATOES with PIMIENTO

Mga Sangkap:
1 kilo Baby or Marbled Potatoes (hugasang mabuti....kung medyo malaki hatiin sa gitna)
250 grams Smokey Bacon (cut into small pieces)
1 tetra brick All Purpose Cream

4 tbsp. Cheez Whiz
1 large Red Bell Pepper (cut into small cubes)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. White Onion (chopped)
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Hugasang mabuti ang baby potatoes.  Kung medyo malalaki ang patatas hatiin sa gitna.
2.   Ilaga ito sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin.   I-drain
3.   Sa isang kawali, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa medyo pumula ito.   Hanguin ang kalhati para sa toppings.
4.   Itabi sa kawali ang bacon at igisa ang bawang, sibuyas at red bell pepper.   hayaang ng ilang sandali.
5.   Sunod na ilagay ang Cheez Whiz at ang all purpose cream.   Hinaan ang apoy.
6.   Timplahan ng kaunting asin at paminta.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Ihalo ang nilutong baby potatos.   Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng saue ang lahat na piraso ng patatas.
9.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang nilutong bacon.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy