PAN-GRILLED PORK BELLY


Isa sa mga paborito kong luto sa pork belly o liempo ay inihaw.   Ang problema lang hindi ko magawang mag-ihaw sa bahay komo sa condo nga kami nakatira ng aming pamilya.

Kung bibili ka naman sa mga resto o yung ihaw-ihaw kagaya ng Andoks o Baliwag, medyo may kamahalan ito at mabibitin ka lang sa laki.   Kaya mas mainam pa nga na magluto ka na lang sa bahay.

Para mawala ang pagke-crave ko sa inihaw na liempo, sa halip na iihaw ito sa live na baga ay sa kawali ko na lang ito niluto o pan-grill.   Pwede din yung mga nabibiling stove top na griller.   Yun lang iba pa rin talaga yung ihaw sa baga.  Pero pwede na din.   Masarap pa rin ang kinalabasan ng aking niluto.   Try nyo po itong recipe ko.


PAN-GRILLED PORK BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba...pahiwa ng mga 1/2 inch ang kapal)
1 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade
1/2 can Sprite or 7Up
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Rock Salt
5 cloves Minced Garlic

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork belly sa Clara Ole Hickory barbeque marinade, Sprite or 7Up, asin, paminta at bawang.   Hayaan ng mga 1 oras.  Overnight mas mainam.
2.   I-pan-grill ito sa isang non-stick na kawali na may kaunting mantika sa katamtamang lakas ng apoy.   Baligtarin at lutuin naman ang kabilang side.

Hiwain into bite size pieces at ihain na may kasamang sawsawan na toyo na may calamansi.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy