MEATY LUMPIANG TOGE
Pahirapan pakainin ng gulay ang aking mga anak lalo na ang anak kong si James. Mag-uulam siya ng sabaw pero pahirapan talaga sa gulay lalo na yung madadahon na gulay. Pero laking pagtataka ko na gusto daw niya nung lumpiang toge. Siguro nakakabili o nakakakain siya nito sa school kaya nagustuhan niya.
Kaya naman nitong nakaraang Linggo naisipan kong magluto nitong Lumpiang Toge para sa aking mga anak at para matigil na din ang pagke-crave ko dito.
Simple lang ang version kong ito. Kung tutuusin nga mas ma-karne pa nga ito kumpara dun sa mga nabibili natin sa labas na puro talaga toge at iba pang gulay. Mas makarne ginawa ko para hinay-hinay lang at hindi sila mabigla sa gulay.
Okay naman ang kinalabasan. Nagustuhan nila ito. Si James nga yun lang ang ini-ulam at hindi na tumikim pa ng iba pang ulam. Hehehehe
MEATY LUMPIANG TOGE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Toge or Bean Sprout
1/2 kilo Ground Pork
1 pc. Large Carrot (cut into strips)
2 pcs. Sweet Potato or Camote (cut into strips)
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (chopped)
1/2 cup Oyster Sauce
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
Lumpia Wrapper
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
3. Sunod na ilagay ang hiniwang carrots at camote. Maaaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.
4. Sunod na ilagay ang toge, oyster sauce at brown sugar. Halu-haluin.
5. Kung luto na ang carrots at camote, maaari na itong hanguin at i-drain para mawala ang sabaw na mayroon ito. Palamigin.
6. Balutin ang nilutong toge at karne sa lumpia wrapper sa nais na laki.
7. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay nito.
8. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
Ihain na may kasamang suka na may bawang, asin at sili.
Enjoy!!!!!
Comments
Thank you for your continued support to my blog.
Dennis