PINALABUAN


Ang Pinalabuan ay isang pork dish na maihahalintulad sa dinuguan o tinumis na tawag naman namin sa Bulacan.   Halos parehong-pareho lang siya ng dinuguan,  Ang napansin ko lang na pagkakaiba ay medyo masabaw itong pinalabuan. 

Last Sunday, dapat sana ay lechong kawali ang aming ulam para sa aming pananghalian.   Ewan ko ba kung bakit nung namamalengke na ako ay naisip kong magluto nitong pinalabuan.

So pagdating na pakadating ko sa bahay inihanda ko na ang pagluluto nito bago kami makapag-simba.   Habang niluluto ko ito, naisip ko ang turo sa akin ng aking mother in law na si Inay Elo.   Sa kanya ko nakuha ang tamang pagluluto nito at yung teknik para hindi makulta ang dugo na inlalagay.  Medyo nalungkot lang ako dahil may sakit noon.   At sa ilang beses na nagluto ako nito, ngayon ko lang ata nakuha yung perfect na lasa ng pinalabuan.   Kahit ang asawa kong si Jolly ay napansin ito.  


PINALABUAN

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Belly (cut into small cubes)
8 cups Pork Blood (durugin yung mga buo-buong parte)
2 pcs. Onion (chopped)
1 head Minced Garlic
2 cups Cane Vinegar
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
5 pcs. Siling Pang-sigang
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Isunod na agad ang hiniwang pork belly. Halu-haluin at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa ang karne.
3.   Ilagay ang cane vinegar at takpan muli.   Huwag hahaluin para hindi mahilaw ang suka.
4.   Lagyan ng mga 3 tasang tubig.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.   Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinkailangan.
5.   Kung malambot na ang karne lagyan ng malamig na tubig at saka ilagay ang dugo ng baboy.
6.   Ilagay na din ang siling pang-sigang at Maggie Magic Sarap.
7.   Pagkalagay ng dugo patuloy na haluin ito para hindi makulta ang dugo o magbuo-buo.
8.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!





Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy