GINISANG SAYOTE
Hindi ako madalas magluto at mag-post ng vegetable dish. Hindi kasi masyadong kumakain ng gulay ang mga anak ko. Kaya ayun kami ng aking asawa ang umuubos kapag nagluto ako. Pero minsan na nagluto ako ng gulay na munggo nilahukan ko ng pork liempo at kumain naman sila.
Ganun ang ginawa ko sa ginisang sayote na ito. Sinahugan ko ng giniling na baboy at kaunting oyster sauce. At ayun, nagustuhan naman nila ito komo may karne nga. hehehehe
GINISANG SAYOTE
Mga Sangkap:
2 pcs. large Sayote (cut into strips)
1 pc. Carrot (cut into strips)
250 grams Ground Pork
5 cloves MInced Garlic
2 tbsp. Oyster Sauce
1 pc. Onion (sliced)
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1 tsp. Brown Sugar
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Spring Onion to garnish
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa maluto ang giniling.
3. Sunod na ilagay ang hiniwang sayote at carrots. Halu-haluin at saka takpan. Maaring lagyan ng kaunting tubig.
4. Huling ilagay ang oyster sauce at brown sugar. Halu-haluin
5. Tikman ang suace at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments