ADOBONG BUTO-BUTO
Masarap na i-adobo ang pork ribs o yung mga buto-buto ng baboy. Nandun kasi yung masarap na lasa ng baboy. Sa lugar nga ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas, ganito ang adobo na niluluto nila. Masarap naman talaga ang adobo nila kaya naman naisipan kog magluto din ng kagaya nito sa amin nitong nakaraang araw.
Masarap talaga. Paniguradong mapaparami ka ng kanin kapag ganito ang ulam mo. Hehehehe
ADOBONG BUTO-BUTO
Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Ribs or Buto-Buto
1 cup Cane Vinegar
1 cup Soy Sauce
2 heads Minced Garlic
1 pc. Large Onion (chopped)
1 tsp. Freshly Crack Pepper
1 tsp. Worcestershire Sauce
2 pcs. Large Potatoes (cut into cubes)
3 tbsp. Cooking
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap or 1 tbsp. Sugar
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sunod na igisa naman ang sibuyas.
3. Ilagay na di agad ang pork ribs o buto-buto at timplahan ng suka, toyo, worcestershire sauce at pamintang durog. Takpan at hayaang maluto. Maaaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa hanggat lumambot ang karne.
4. Kung malapit nang lumambot ang laman ng buto-buto, ilagay na ang patatas at timplahan ng maggie magic sarap o asukal.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang tinustang bawang.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments