BABOY at SITAW sa GATA

Dapat sana ay Pork Binagoongan ang gagawin kong luto sa pork liempo na nabili ko para sa aming pang-ulam.   Kaso hindi ko napansin na wala na pala kaming bagoong alamang na pangunahing sangkap para dito.   Ang natitira na lang ay wala pang 1 kutsara na bagoong.  Hindi ko naman magawang Bicol Express at baka naman hindi makain ng mga anak ko sa anghang.

E di ang ginawa ko na lang pinag-ubra ko kung ano ang meron at eto na nga ang kinalabasan.    Isang masarap pa din na dish na nagustuhan ng aking mga anak.



BABOY at SITAW sa GATA

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (cut into cubes or strips)
3 cups Kakang Gata
Sitaw (cut into 1 inch long)
1 tbsp. bagoong Alamang
5 pcs. Siling Pang-sigang
2 pcs. Siling Labuyo
1 thumb size Ginger (cut into strips)
 1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kaserola o kawali, ilagay ang karne ng baboy at lagyan ng tubig at asin.   Hayaang maluto hanggang sa mag-mantika at ma-brown ang baboy.
2.   Itabi lang sa gilid ang karne at igisa naman ang luya, bawang at sibuyas.
3.   Ilagay ang 1 cup na kakang gata at mg 2 tasang tubig.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.   Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang sitaw, siling pangsigang, siling labuyo at ang natitira pang kakang gata.   Timplahan na din ng paminta.   Hayaang maluto ang sitaw.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
ea guillian mercado

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy