PORK HAMONADO ESPESYAL

Pangalawa sa mga dish na nai-post ko sa food blog kong ito way back January 16, 2019 ay itong Pork Hamonado.   May isang nag-comment nga doon na sa mga fiesta o handaan lang siya nakakatikim ng dish na ito.  And yes isa ito sa mga dish na inihanda ko sa nakaraang fiesta sa aming lugar.


May twist akong ginawa sa pork hamonado na ito.   Bukod sa fried saba na inilagay ko for garnish,  nilagyan ko din ng lemon soda o 7up (pwede din ang sprite) ang marinade mix para kako lumambot ang karne at madaling hiwain.   At tama nga, bukod sa malambot ang kinalabasan ng nalutong karne, mas malasa at masarap ito.   Talaga naman nagustuhan ng aking mga bisita ang dish na ito.   try nyo din po.


PORK HAMONADO ESPESYAL

Mga Sangkap:
2 kilos Pork Kasim or Pigue (cut into 4 pcs. logs)
1 can Sweeten Pineapple Juice (miduim size can)
1 can 7Up or Sprite Soda
2 pcs. Onion (chopped)
1 head Minced Garlic
1 cup Soy Sauce
Brown Sugar
Salt and pepper to taste
1 tbsp. Flour or Cornstarch
Fried Saging na saba

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang karne ng baboy sa pinaghalong pineapple juice, 7up or Sprite soda, sibuyas, bawang, asin at paminta.   I-marinade ito ng mga 2 araw.   Ilagay muna sa refrigerator.
2.   Sa isang non-stick na kaserola o kawali, ilagay ang minarinade na karne ng baboy kasama ang pinagbabaran nito.
3.   Pakuluan hanggang sa maluto o lumambot ang karne.   (about 20 to 30 mins)
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang toyo at mga 2 cups ng brown sugar.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch o harina para lumapot ang sauce.
7.   Palamigin muna ang niluto karne bago i-slice ng manipis.
8.   Ilagay sa isang bandehado at buhusan ng sauce sa ibabaw.   Ilagay naman sa gilid ang piniritong saging na saba.

Ihain agad and enjoy!!!!



Comments

Anonymous said…
sir dennis, di po ba mapanis pg 2 days nakababad? san po ilagay sa ref po? oaky lang po ba na hnd non stick na kawali ang gamitin? Renz po ito sir dennis
Dennis said…
Thanks Renz,

Ilalagay mo sa refrigerator syempre for 2 days. Okay lang na sa ordinary kawali o kaserola mo lutuin. Medyo ia-angat mo lang yung karne from time to time para hindi dumikit yung karne sa bottom ng kawali o kaserola.

Dennis
Anonymous said…
Goodeve sir denis pano po pg1 kg ln un pork ko bawasan ko lhat ng ingredients sa half? Tnx
Dennis said…
Yes...parang ganun na nga. :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy