BRAISED PORK TENDERLOIN in HOISIN SAUCE


Ito ang isa pa sa mga dish na niluto nitong nakaraan kong kaarawan.   Itong Braised Pork Tenderloin in Hoisin Sauce.

Actually, para din siyang pork hamonado.   Yun lang, pork tenderloin or lomo nga ang ginamit dito at bukod sa pineapple juice nilagyan ko din ito ng Hoisin sauce.

Masarap ito.   Kakaiba yung lasa ng tamis ng sauce dahil sa hoisin sauce.   At tamang-tama din ang lambot ng karne komo lomo nga ang ginamit. 

Ayos na ayos itong ihanda sa mga espesyal na okasyon lalo na din na papalapit na ang pasko.   Try nyo din po.


BRAISED PORK TENDERLOIN in HOISIN SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Tendeloin or Lomo
1 can Pineapple Juice
1/2 cup Hoisin Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
2 pcs. Onion (chopped)
2 tbs. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng  pagluluto:
1.   Ibabad ang pork tenderloin o lomo sa pineapple juice at timplahan ng bawang, sibuyas, asin at paminta.   Ibabad ito ng overnight o higit pa.
2.   Sa isang non-stick na kawali na may takip o kaserola, ilagay ang binabad na karne (kasama ang pinagbabaran).   Pakuluan ito hanggang sa kumonte na lang ang sabaw.
3.   Kapag kumonte na ang sabaw, ilagay na ang toyo, hoisin sauce at brown sugar.   Hayaang kumulo ng mga 3 minuto.
4.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.   Huling ilagay ang sesame oil.
6.   Palamigin sandali at saka i-slice ang karne.
7.   Ilagay ang natirang sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy