LECHON MACAU
Ang Lechon Macau ay para din lang yung paborito nating Lechon Kawali o yung Bagnet ng Ilocos. ang pagkakaiba lang nito ay tinitimplahan pa ito ng herbs and spices habang pinapakuluan at pini-prito.
Actually na-kopya ko lang ang recipe na ito sa isa pang food blog at hindi ko alam kung ganito ba talaga ang recipe na ginagamit sa Macau. Ito pala ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan. Masasabi ko na masarap dahil may kakaiba itong lasa kumpara sa simple nating lechon kawali. Try nyo din po.
LECHON MACAU
Mga Sangkap:
2 kilos Pork Belly (cut into blocks)
2 tsp. 5 Spice Powder
1 tsp. Garlic Powder
2 pcs. Dried Laurel Leave
2 pcs. Onion (quartered)
1 head Garlic (sliced)
2 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. Ground Black pepper
Cooking Oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola ilagay ang pork belly, 1 tsp. ng 5 spice powder, sibuyas, bawang, laurel, asin at paminta. Lagyan ng tubig. Dapat nakalubog ang tubig.
2. Pakuluan ito ng mga 1 oras o higit pa hanggang sa lumambot.
3. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
4. Kung malamig na tusik-tusikin ng tinidor ang balat ng parte ng pork belly na nilaga. Mas maraming tusok mas mainam.
5. Mula sa balat, hiwaan ang nilagang liempo ng mga 1/2 inch ang pagitan. Ang hiwa ay hanggang sa umabot sa laman.
6. Sa isang bowl paghaluin ang 1 tsp. pa ng 5 spice powder, garlic powder at Maggiwe Magic Sarap.
7. Ipahid ito sa palibot at lahat ng singit ng hiniwaang pork belly.
8. Ilagay ito sa freezer ng over night bago i-prito.
9. From the freezer i-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-pop ang balat ang mag-golden brown ang kulay. (Dapat lubog sa mantika.)
10. Hanguin sa isang lalagayan at palamigin muna bago i-chop.
Ihain na may kasamang lechon sauce o suka na may calamansi, sili at toyo.
Enjoy!!!!

Comments