SPAGHETTI MEAT OVERLOAD in ITALIAN SAUCE
Amoy na amoy na natin talaga ang kapaskuhan. Hindi lamang sa ating mga nakikitang dekorasyon sa mga tahanan, mga daan at maging sa mga mall ay bakas na bakas at dama natin ang nalalapit na pasko.
Marami din sa atin ay abalang-abala na sa pag-iisip kung ano ang masarap ihanda para sa ating Noche Buena. Yung iba gusto ay yung kakaiba at hindi pangkaraniwan nating kinakain. Yung iba naman gusto yung traditional o classic na inihahanda sa kapaskuhan at ginagawa na lang nilang extra special.
Medyo mahirap din na kakaiba yung ihanda. Una: baka pumalpak ang pagkakaluto...pangalawa: baka hindi magustuhan ng mga bata kasi hindi nila kilala yung pagkain... pangatlo: baka magastos. Hehehehe
So para sa akin okay siguro na yung classic dishes na lang ang ating ihanda pero gawin natin extra special ang sahog at ang pagkakaluto.
Kagaya nitong classic spaghetti na ito. Madali lang gawin at nilagyan ko lang ng extra pang mga sahog na siguradong kong magugustuhan ng mga bagets. Try nyo din po.
SPAGHETTI MEAT OVERLOAD in ITALIAN SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package direction)
1/2 kilo Ground Beef
250 grams Bacon (cut into small pieces)
250 grams Hotdogs (sliced)
250 grams Sweet Ham (cut into small pieces)
50 grams Pepperoni
1 kilo Italian Style Spaghetti Sauce
2 cups Grated Cheese
1 cup Cream Cheese
2 pcs. White Onion (chopped)
1 head Minced Garlic
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Dried Oregano
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup Olive Oil
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction.
2. Sa isang medyo malaking kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. Ilagay na din ang dried basil at oregano.
3. Sunod na ilagay ang ground beef at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin para hindi manikit sa bottom ng lutuan.
4. Kapag nawala na ang pagka-pink ng karne ilagay na ang hotdogs, bacon, ham at pepperoni. Halu-haluin ng mga 2 minuto.
5. Ilagay na italian style spaghetti sauce. Halu-haluin at hayaang kumulo sa katamtamang lakas ng apoy.
6. Sunod na ilagay ang cream cheese at ang brown sugar.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
To serve: Pwedeng nakahalo na ang sauce sa pasta at ibudbod na lang sa ibabaw ang grated cheese. Pwede din na nakahiwalay ang pasta, sauce at cheese at bahala na lang ang kakain na kumuha ng nais na dami nito.
Enjoy!!!
Comments