IGADO - An Ilocano Dish
Ang Igado ay isang sikat Ilocano dish na maihahalintulad mo sa adobo o menudo. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng igado pero isa lang ang masasabi ko sa dish na ito. Masarap.
Masasabi kong para siyang adobo dahil may sangkap din itong suka at toyo. Yun lang may kasama din itong carrots, red bell pepper at green peas. Para din siyang menudo pero ang pagkakaiba lang nito ay wala itong tomato sauce at ang hiwa ng mga sangkap ay pahaba.
Dapat sana Batchoy Tagalog ang gagawin kong luto sa pork lomo at atay na ito na nabili ko nitong huli kong pamamalengke. Nabago lang ang una kong plano nang maisip ko na tinolang manok pala ang gagawin ko namang luto sa manok. E halos pareho lang ang sangkap at pagluto sa batchoy talagalog at tinola. Parehong may luya at papaya o sayote.
Kaya eto, isang masarap na Ilocano dish para sa inyong lahat.
IGADO - An Ilocano Dish
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Lomo
1/2 kilo Pork Liver
1 pc. Carrot
1 pc. large Potato
1 pc. large Red Bell Pepper
2 cups Green Peas
1/2 cup Cane Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Ground Black Pepper
3 tbsp. Cooking Oil
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang karne at mga gulay ng pahaba sa nais na laki.
2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3. Isunod na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
4. Ilagay ang toyo at suka at saka takpan. Maaaring lagyan ng tubig (1 cup) kung gusto nyo na medyo ma-sauce ang inyong igado.
5. Kung luto na ang karne pwede nyo nang ilagay ang atay ng baboy at lahat ng gulay. Halu-haluin at takpan muli para maluto.
6. Ilagay na ang green peas at timplahan ng Maggie Magic Sarap.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments