BABY BACK RIBS in HICKORY BARBEQUE SAUCE
Pasensya na po kung ngayon lang po ulit ako nakapag-post sa munti nating tambayan na ito. Medyo naging busy lang po talaga sa nakaraang holidays at dito na din po sa office. Pero promise po babawi po ako sa inyo. Hehehehe
Ito po ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena. Itong Baby back Ribs in Hickory Barbeque Sauce.
Actually may recipe na po ako nito sa archive pero naisipan kong mag-post ng panibagong recipe dahil sa tingin ko ay may masarap ang version na ito at talaga namang nagustuhan ng panganay kong anak na si Jake. For sure kahit po kayo ay magugustuhan nyo din ito.
BABY BACK RIBS in HICKORY BARBEQUE SAUCE
Mga Sangkap:
About 1.5 kilos Baby Back Ribs
2 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade Mix
1 Head Minced Garlic
2 pcs. Chopped Onions
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1 can Sprite or 7Up Soda
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Worcestershire Sauce
Salt to taste
1/2 cup Brown Sugar
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang baby back ribs sa 1 tetra pack ng Clara Ole Hickory barbeque marinade, 1 can ng Sprite o 7Up Soda, paminta, bawang, sibuyas, worcestershire sauce at kaunting asin. Overnight o higit pa mas mainam.
2. Sa isang kaserola, pakuluan ang baby back ribs kasama ang pinagbabaran nito hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na ang karne, isalang naman ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees. I-roast ito ng mga 15 to 20 minutes o hanggang sa medyo mag-dark lang ang paligid nito.
4. For the sauce: Ilagay ang 1 tetra pack pa ng Clara Ole Hickory barbeque marinade at brown sugar sa pinagpalambutan ng ribs.
5. Halu-haluin ito hanggang sa medyo lumapot ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ibuhos ang ang sauce sa ibabaw ng ni-roast na baby back ribs.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Sorry for my late reply. Medyo hindi pa ako nakakabalik pa sa aking food blog. Naglipat kasi kami ng office at talagang medyo busy kami ngayon.
With regards sa 7Up, yup kahit ako namana ko lang yang 7Up na yan sa akng Inang Lina. Nito ko lang nalaman na mainam pala talaga itong ipang-marinade sa barbeque at iba pang lutuin. Lemon kasi ang flavor nito. At isa pa, komo may soda ito nakakapagpalambot din ito ng karne na minamarinade.
Tanong ko lang...fried chicken ba talaga yung sinasabi mong niluluto ng Dad mo? O baka naman chicken barbeque? Kapag sa fried chicken kasi baka mangitim o masunog ang chicken kapag minarinade mo sa soda drinks. Mataas kasi ang sugar content nito at madaling masunog kapag ipi-prito.
I think chicken bbq nga yun.
Thanks
Dennis