CHOPSUEY with TOFU and LECHON KAWALI
Bumibili din ba kayo nung mga packed mix vegetables kagaya ng pang pinakbet at chopsuey sa mga supermarket kagaya ng SM or Puregold? Sa tingin ko ay mas makakamura ka dito lalo na kung hindi naman pang-marami ang lulutuin mo. Kapag kasi bumili ka ng per klase ng gulay, medyo mapapamahal ka unless marami o lahata ay lulutuin mo. Kagaya sa amin na pahirapan magpakain ng gulay, yung 1 pack ay okay na sa amin.
Itong packed mix vegetables ang ginamit dito sa tofu and bagnet chopsuey na niluto nitong nakaraang Linggo. As expected naubos ang tofu at bagnet at ako ang umubos ng mga gulay. Hayyy!!! ang mga anak ko talaga. Hehehehe.
CHOPSUEY with TOFU and LECHON KAWALI
Mga Sangkap:
500 grams Lechon Kawali (cut into cubes)
1 block Tofu or Tokwa (cut into cubes then fry)
Mix Vegetables (carrots, broccoli, cauliflower, Baguio beans, cabbage, celery, bell pepper, etc.)
1/2 cup Oyster Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 tbsp. Brown Sugar
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang wok o kawali igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Sunod na ilagay ang mga gulay na medyo matagal maluto kagaya ng carrots, Baguio beans, broccoli, cauliflower, etc.
3. Sunod na ilagay ang natitira pang gulay kagaya ng repolyo, bell pepper, etc.
4. Ilagay na din ang oyster sauce, brown sugar, asin at paminta.
5. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch. Halu-haluin
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Patayin ang kalan at ihalo ang hiniwang lechon kawali at tofu.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Note: Para sa recipe ng lechon kawali, please check this link http://mgalutonidennis.blogspot.com/2016/01/classic-lechon-kawali.html
TY
Comments