CLASSIC CRISPY PATA


CLASSIC CRISPY  PATA

Ilang buwan na ding sira ang aming turbo broiler...na miss ko tuloy ang mga paborito kong lutuin dito kagaya ng roasted chicken at itong crispy pata.   Kaya eto balik sa original o classic na paraan ng pagluluto ng crispy pata ang aking ginawa.   Well, mas masarap naman talaga yung original o classic kumpara sa luto sa turbo o pugon.   At syempre nasa timpla pa din ang sekreto para sa isang masarap na crispy pata.

Narito ang ilan sa mga tips para sa isang masarap na crispy pata:
1.   Dapat batang pata ng baboy ang gagamitin.   Malalaman ito sa kapal ng balat ng pata.
2.   Pakuluan ang pata sa kaserolang may maraming asin, bawang, sibuyas, dahon ng laurel at pamintang buo.
3.   Huwag i-overcooked din ang paglalaga ng pata dahil ipi-prito pa ito.   Yung tama lang ang lambot dapat.
4.   Pagkatapos palamigin ang nilagang pata, hiwaan ang paligid nito na sagad hanggang buto.
5.   Budburan ng asin ang paligid at ilagay sa isang plastic ang ilagay sa freezer ng overnight.   Sa pamamagitan ng prosesong ito, hindi mapuputok-putok ang pata habang pini-prito.
6.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa pumula at lumutong ang balat.

Ihain na may kasamang sawsawan na suka na may calamansi, toyo, sili at sibuyas.   Lagyan din ng kaunting asukal at asin.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy