CHICKEN LETTUCE and CUCUMBER SPRING ROLL
Isa pang version ng paborito kong spring roll gamit ang rice paper. This time, nilahukan ko naman ng crispy chicken fillet at mayonaise. Actually, pwede din na i-grill yung chicken fillet at hiwain ng pa-strips.
Kagaya ng sandwich, pwede din kahit ano ang ilagay sa spring roll na ito. Tandaan lang na dapat ay medyo malasa ito para mag-compliment dun sa lettuce at sa pipino. Winner ito may sauce o dip man o wala. Mainam na starter sa mga espesyal o kahit ordinaryong okasyon. Try nyo din po.
CHICKEN LETTUCE and CUCUMBER SPRING ROLL
Mga Sangkap:
Rice Paper
Chicken Breast Fillet (pitpitin gamit ang kitchen mallet)
Romaine LettucePipino (cut into strips)
Mayonaise
Calamansi or Lemon
Salt and pepper to taste
Egg
Japanese Breadcrumbs
Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at katas ng calamansi ang pinitpit na chicken breast fillet. Hayaan ng ilang sandali.
2. Kung crispy chicken ang gusto: - Ilubog sa binating itlog ang chicken breast fillet, igulong sa breadcrumbs at saka i-prito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Kung grilled naman ang gusto: I-pan-fried ang chicken fillet hanggang sa maluto.
3. I-slice ng pa-strips ang nilutong chicken fillet. Ilagay muna sa isang lalagyan.
4. To assemble: Ilubog ang rice paper sa tubig ng mga 15 segundo.
5. Ilatag ito sa isang plato at lagyan ng romaine lettuce, hiniwang pipino, hiniwang chicken fillet, mayonaise at budburan ng kaunting asin at paminta.
6. I-roll ito at tiyaking naka-close ang magkabilang side.
7. Hiwain ng pa-slant at ilagay sa isang lalagyan.
Ihain agad para hindi mag-dikit-dikit ang rice paper.
Enjoy!!!
Comments