ENSELADANG TALONG na may MANGGA, ITLOG na MAALAT at BAGOONG
Parte na ng hapag kainan nating mga Pilipino ang sawsawan at mga side dish na itine-terno natin sa ating mga main dish o pang-ulam. May kilala nga ako hindi daw siya makakain ng ayos kapag walang patis sa tabi niya habang kumakain. hehehehe. Sabagay, kaya-kanya lang yan. Yung iba naman hindi makakaing mabuti ng walang sabaw kung prito ang pang-ulam. hehehehe.
Itong recipe natin for today ay isang enseladang madali lang gawin. Yun lang sigurong pagiihaw at pagbabalat ng talong ang medyo mage-effort tayo. And yes, may post na ako ng halos katulad nito. ang pagkakaiba lang ay ang pagdadagdag ko ng hilaw na mangga na lalong nagpa-sarap sa enseladang ito. Ito pala ang itinerno ko sa pritong galunggong na iniulam namin nitong isang araw lang. Yummy!!! Try nyo din po.
ENSELADANG TALONG na may MANGGA, ITLOG na MAALAT at BAGOONG
Mga Sangkap:
4 pcs. Talong
5 pcs. Itlog na maalat (cut into cubes)
1 pc. Manggang Hilaw (cut into small cubes)
4 pcs. Kamatis (cut into small cubes)
1 small White Onion (cut into small cubes)
1/2 cup Sweet Bagoong Alamang
Paraan para gawin:
1. I-ihaw ang talong...palamigin....balatan...at hiwain ng maliliit.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang tinihaw na talong at iba pang mga sangkap.
Ihain kasama ang paborito nyong pritong isda o inihaw na baboy.
Enjoy!!!

Comments