CHICKEN POTATO SALAD

Paborito ng asawa kong si Jolly ang baby potatoes.   Kahit anong luto dito ay gusto niya.   Kaya naman kapag nagke-crave siya dito bumibili siya nito at pinapaluto sa akin.

This time yung pinaka-simpleng luto ang aking ginawa.   Chicken Potato Salad.   Ang pinaka-tip sa version kong ito ay yung paglalaga ng patatas sa pinaglagaan ng manok.    Sa pamamagitan nito, nagkakaroon din ng flavor ng manok ang mismong patatas.   Try nyo din po.



CHICKEN POTATO SALAD

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (kung medyo malalaki ang piraso, hatiin sa gitna)
2 cups Ladies Choice Mayonaise
1 whole Chicken Breast
1 large Carrot (cut into cubes)
1 medium size White Onion (chopped)
2 cups Celery Stalks (cut into small pieces)
Salt and pepper to taste
Romaine Lettuce

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang chicken breast sa kaserolang may tubig at asin,.
2.   Kung luto na ang manok, ihalo dito ang hiniwang baby potatoes at carrots.   Hayaang maluto.
3.   I-drain ang nilutong patatas at carrots.   Ilagay sa isang bowl.   Palamigin.
4.   Palamigin ang manok at saka himayin sa nais na laki.
5.   Ihalo ang hinimay na manok, celery, sibuyas at mayonaise sa patatas.  
6.   Timplahan ng kaunting asin at paminta.   Haluing mabuti.
7.  I-chill muna sa fridge bago ihain.

Ihain sa isang lalagyang may romaine lettuce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy