ENSELADANG KAMATIS at ITLOG NA MAALAT na may TUSTADONG TINAPA
Minsan ang mga pagkaing patapon na o yung my leftover ay nagagawan pa natin ng paraan para ma-recycle. Dapat naman. Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon ang pag-aaksaya sa pagkain ay isang malaking NO.
Kagaya nitong enselada na ito na aking inihanda para almusal. Yung tinapa na inilagay ko ay tira-tira ng nakaraan naming almusal. At nang hinimay ko ito at tinusta sa kawali ang laki ang isinarap sa enseladang itlog na maalat na ito na may kamatis. Highly recommended ko ito sa lahat.
ENSELADANG KAMATIS at ITLOG NA MAALAT na may TUSTADONG TINAPA
Mga Sangkap:
8 pcs. Tinapang Galunggong o 2pcs. Tinapang Bangus
6 pcs. Itlog na Maalat (Balatan at hiwain sa apat)
8 pcs. Kamatis (sliced)
2 tbsp. Olive Oil
2 tbsp. Patis
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang hinimay na tinapa hanggang sa matusta. Mainam yung crispy pero hindi naman sunog.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap at haluin mabuti.
3. I-chill sandali sa fridge bago ihain.
Enjoy!!!!

Comments